Nagbibisikleta noon ang magkaibigan nang mabangga ni Pilo ang kahoy na bakod, kaya nagbagsakan ang mga nakapasong halaman.
Wala sanang nakakita sa nangyari kahit ang may-ari, kaya lang nag-ingay si Cris.
"Hindi mo man lang ba tatawagin ang may-ari upang makahingi ka ng pasensiya at para makatulong ka sa pag-aayos ng mga nasira," sabi ni Cris.
"Huwag na. Alis na tayo kasi wala namang nakakita at saka baka mapagalitan pa tayo," tugon ni Pilo.
"Magagalit sa 'yo, hindi sa akin lalo na kapag tinakasan mo."
Bago pa nakalayo si Pilo, dumating na ang may-ari ng bahay. "Hoy, kayo?! Tingnan ninyo ang ginawa ninyo sa mga halaman ko!" Nag-uusok ang tainga nito.
"Sorry po, ale... Aksidente po ang nangyari. Hindi po niya sinadya." Si Cris na ang nagsalita. "Hoy, Pilo, bumalik ka rito. Mag-sorry ka."
Agad namang bumalik si Pilo at nag-sorry.
"Kung hindi ka pa sinabihan ng kaibigan mo, tatakasan mo talaga ang problemang ito," sabi ng ale.
"Pasensiya na po. Natakot lang po kasi ako," sabi ni Pilo.
"Aksidente nga, e... bakit ka natatakot? Dapat nga humingi ka ng tulong. So, paano ka ngayon? Nasaktan ka ba?"
"Hindi naman po masyado."
"Kung gayon, tulungan ninyo akong ayusin at iligpit ang mga ito. Maaari ba iyon?" Sa wakas, ngumiti na ang ale.
"Siyempre naman po." Nawala na rin kahit paano ang kaba at takot ni Pilo. "Cris, okay lang ba sa iyo?"
"Oo naman. Basta kaibigan hindi iniiwanan," sabi ni Cris.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!