Ang hirap kasi ng walang trabaho!
Ayaw kong wala akong ginagawa. Gusto kong nasa bahay lang ako, pero ayaw ko namang tambay lang ako. Ang hirap isiping walang kang makain at maipakakain sa pamilya.
Ang sakit sa kaloobang nakikita ko silang nagugutom. Buong buhay ko, halos paghihirap na ang dinanas ko. Ngayon bang may maganda akong trabaho ay ipaparanas ko pa ito sa kanila? Hindi ako maaaring mawalan ng trabaho dahil sila ang dahilan kung bakit nagtitiyaga ako. Sa bawat paggising ko at sa bawat pag-uwi nang late, sila ang iniisip ko.
Kung wala akong hanapbuhay, para ko na rin silang pinatay. Although, marami namang trabaho ang aking pasukan, pero mahirap makipagsapalaran. Naranasan ko na iyon noong ako ay medyo bata-bata pa. Sa panahon ngayon, kailangan ko nang pagsumikapang magtagal sa propesyong aking kinaaaniban para habambuhay ko itong pakinabangan.
Hindi rin ako maaaring mawalan ng trabaho dahil hindi ko na magagawang makatulong sa iba. Sa pagkakaroon ko ng trabaho, nagagawa kong tumulong—pinansiyal man o moral. Sa pagiging guro ko, maraming trabaho ang mabubuo ko pagdating ng panahon. Ang mga estudyante ko ang magpapatuloy sa aking mga ginagawa. Sila rin ang mag-aalis sa takot sa kawalan ng trabaho, dahil ipinapasok ko sa kanilang isipan at puso na ang edukasyon ang simula ng magandang kinabukasan.
Takot akong mawalan ng trabaho, kaya sinisikap kong maging mabuting empleyado ng gobyerno.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!