Isang araw, nilapitan ni Aries ang kaniyang ama habang nakatingin ito sa nakaparadang dyip, na tinatawag na hari ng kalsada.
Aries: Papa, kailan po kayo bibiyahe?
Papa: Gustuhin ko man, pero hindi sasapat ang kikitain ko.
Aries: Bakit po?
Papa: Kung dati, puwedeng-puwedeng punuin ang dyip ng mga psasahero, ngayon kalahati na lang. E, hindi naman nagbago ang pamasahe.
Aries: Paano na po tayo?
Papa: Iyon nga rin ang iniisip ko. Hindi kakayanin ng katulad kong mahirap na tsuper na bumibili ng gusto nilang e-jeep. Kaya wala akong ibang magagawa kundi maghanap ng ibang trabaho. Gustuhin ko mang kumontra sa plano ng gobyerno na palitan ng makabagong dyipni ang mgatradisyunal na dyipni, wala akong magagawa. Nakaplanona yata an g lahat. Bago pa man nagkaroon ng pandemya, isa nang malaking usapin ang pag-aalis ng mga dyip sa kalsada.
Aries: Sa pamamasada niyo po kami binuhay at napag-aral niyo po sina Ate at Kuya.
Papa: Masakit sa loob ko, Anak, na magpalit ng hanapbuhay, pero wala akong magagawa. Alam mo bang nagmamalimos na nga ang iba kong mga kasamahan?
Aries: Opo! Napanood ko nga po sa telebisyon. Nakakaawa po ang ibang walang pinagkukunan kundi ang pagbibiyahe ng dyip.
Papa: Mapalad pa rin tayo dahil napagtapos ko ang mga kapatid mo. Ngayon, sila naman ang pansamantalang tutulong sa atin.
Aries: Opo! Hayaan niyo po, Papa, makakaraos din po tayo.
Papa: Oo, may awa ang Diyos. Alam kong may puwang pa rin ang dyip sa kalsada. Katulad ng totoong hari, mapapalitan ito, ngunit hindi makakalimutan.
Isang ngiti ang nasilayan ni Aries sa kanyang ama, kasabay ng pagkislap ng mata nito.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
عشوائيMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!