Liham Pangkaibigan: Pangungumusta at Pagbabalita (CoViD-19)

1.4K 1 0
                                    

Mahal kong Samara,

Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta ka na? Nasasabik na akong makita ka.

Nabalitaan ko ang epekto ng pandemya sa inyong lungsod. Lagi ka sanang mag-iingat at magdasal. Iyon din ang ginagawa ko rito.

Sumulat ako para ipaalam sa iyo ang mga nangyari rito simula noong Marso. Alam mo bang binalot kaming mag-anak ng pangamba nang magkasakit si Papa. Akala naming positibo an siya sa CoViD-19. Matindi ang naranasan niyang sintomas, kaya hindi kami makalapit sa kanya. Hindi siya makahinga. May lagnat, ubo, at sipon siya. Nahihirapan siyang lumunok at nanginginig pa siya. Takot na takot ako noon dahil hindi ko alam kung makakaya kong bawiin na ng Diyos ang buhay niya. Naisip ko, paano na kaya kaming magkakapatid? Paano na kaya si Mama?

Dahil sa pag-aalalaga namin sa kanya, lumakas siya. Kasabay niyon ang panalangin namin. Pagkatapos ng tatlong araw, unti-unting bumuti ang kalagayan ni Papa. Hindi na namin siya naipasuri sa doktor dahil ayon sa kanya, trangkaso lang daw iyon. Hindi raw siya naniniwalaang nahawaan siya sa labas dahil nag-ingat siya nang husto. Naghuhugas siya ng kamay pagkatapos mamili ng aming pagkain. Hinuhugasan rin niya nang mabuti ang kanyang pinamili. At totoo namang epektibo dahil pagkatapos ng pangyayari, wala nang nagkasakit sa amin. Nakatulong nang malaki ang masusustansiyang pagkaing inihahanda nila sa amin, gayundin ang pag-eehersisyo at pag-inom ng bitamina. Hanggang ngayon, patuloy ang aming pag-iingat.

Ikaw, paano mo iniingatan ang iyong sarili? Sana manatii kang ligtas at malusog.

Pagpalain sana tayo ng Diyos!


Ang iyong kaibigan,

Mary Jane 



Mahal kong Mary Jane, 

Magandang araw sa iyo!

Mabuti naman ako rito sa Cebu. Sa katunayan, mayroon kaming munting hardin sa aming bakuran. Simula nang ipinagbawal ang paglabas-labas at pinag-utos ang social distancing, nawili ako sa pagtatanim ng mga halaman, gulay, at punongkahoy. Naghahayupan na rin kami. Sa ngayon, napapakinabangan na namin ang mga itinanim at inalagaan namin. Kahit paano, nakakaraos kami sa pang-araw-araw.

Maayos naman ang mga kalusugan naming mag-anak. Sa tulong ng pagdasal, wastong nutsrisyon, pag-iingat ay nananatili kaming ligtas sa CoViD-19. Totoong nakakabagabag ang mga pangayyari, hindi lang sa Cebu at sa Pilipinas, kundi sa buong mundo, pero nagtitiwala ako sa Diyos na siyang may kontrol ng lahat.

Salamat nga pala sa iyong pangungumusta at pagbabalita. Lagi kang mag-iingat! Miss na miss na kita. Ikumusta mo rin ako sa ating mga kaklase. 


Ang iyong kaibigan,

Samara,

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon