Drew: Kumusta na ang mama mo sa Dubai?
Iya: Mabuti naman daw siya. Ayaw siyang pauwiin ng mga amo niya.
Drew: Bakit?
Iya: Kailangan daw kasi nila si Mama. Mababait naman ang mag-asawang amo niya. Iniisip din nila ang kaligtasan ng aking ina.
Drew: Mabuti kung ganoon nga. At least, ligtas siya sa pandemya.
Iya: Oo nga. Saka naiisip niya rin ang kabuhayan namin kung uuwi siya rito sa Pilipinas, na pinahihirapan din ng CoViD-19.
Drew: Matatalinong desisyon iyan!
Iya: Sabi nga niya, wala raw siyang katatakutang pandemya, maibigay lamang niya ang aming mga pangangailangan. E, ang mommy mo, kumusta naman sa UK?
Drew: Naku! Napadelikado ng kalagayan niya roon bilang medical frontliner.
Iya: E, paano iyan?
Drew: Tuloy pa rin siya. Iyon daw kasi ang sinumpaan niyang tungkulin. Katulad ng karamihang nars at doktor, matapang siya sa anomang posibleng mangyari. Naging madasalin kaming mag-anak dahil dito.
Iya: Tama! Ganyan din kami. Pananalig sa makapangyarihang Diyos na lamang ang ating sandata sa panahon ngayon.
Drew: At lagi nating panatilihing malulusog ang ating katawan.
Iya: Oo. Sabi nga, nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. Mag-iingat tayo palagi.
Drew: Tama ka! Pero, parehong kahanga-hangaa ang mga trabaho ang ating mga magulang.
Iya: Totoo iyan. Bayani ang turing ko sa mga overseas Filipino workers.
Drew: Ang susuwerte rin nila kasi may anak silang mababait.
Nagtawanan ang magkaklase.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!