Metamorphosis

15 1 0
                                    

Ang buhay ng paruparo ay may apat na bahagi. Halina't tuklasin natin ang tinatawag na metamorphosis.

Ang isang paruparo ay simula sa napakaliit na itlog. Karanuwang matatagpuan ito sa ibabaw ng dahon ng mga halaman. Ang itlog ng paruparo ay mapipisa sa loob ng dalawa hanggang apat (2-4) na araw.

Pagkatapos nito, ang itlog ay magiging larva. Unti-unti siyang lalaki at magiging ganap na caterpillar o ang uod. Sa loob ng sampu hanggang labing-apat (10-14) na araw, kakain ito nang kakain ng dahoon upang maging pupa o chrysalis. Ito ay matigas na nakabalot sa isang pupa bago ito maging paruparo.

Ang pupa ay magtatagal sa ganoong kondisyon sa loob ng sampu hanggang labing-apat (10-14) na araw bago ito tuluyang maging paruparo, na kawangis ng paruparong nag-iwan ng itlog sa dahon.

Iyan ang apat na yugto ng metamorphosis ng paruparo. Cool, 'di ba?

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon