Naabutan ni Romulo ang kumpare niyang si Antonio, habang ito ay nasa hardin.
Napansin ni Romulo na iniipon ni Antonio ang mga tuyong dahon.
"Ano'ng gagawin mo sa mga tuyong dahon na iyan?" tanong ni Romulo.
"Ito ang sikreto ng aking hardin!" tugon ni Pareng Antonio.
Naging interesado si Romulo sa sinabi ng kumpare.
"Saan mo ba itinatapon ang mga nabubulok ninyong basura?" tanong ni Pareng Antonio.
"Doon sa likod ng bahay namin, Pare," tugon ni Romulo.
"Alam mo ba? Maaari kang gumawa ng compost mula sa mga pinagbalatan ng prutas at gulay, gayundin ng mga dahon. Ang compost ay abono, galing sa nabulok na organikong materyal.
"Talaga? Paano ba gawin iyon?"
"Madali lang naman. Ganito... Maghukay ka sa bakanteng lote ninyo. Ang tawag sa hukay na magagawa mo ay compost pit. Doon mo itatapon ang mga basurang nabubulok. Alam mo naman ang mga biodegradable, 'di ba?"
"Oo... at bawal ilagay roon ang mga plastic, bote, lata, bakal, at iba pang hindi nabubulok na basura."
"Tama ka riyan!"
"Compost ba ang mga gamit mong pataba sa mga halaman mo rito?"
"Oo, dahil sa compost kaya ang lulusog ng mga ito. Tingnan mo, para ang sasaya nila, 'di ba?"
"Oo nga. Hayaan mo, gagayahin kita. Salamat sa ideya! Alam ko na ng sikreto mo."
"Walang anoman!"
Pagkatapos ay natawa na lamang sila.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!