Napansin ni Aling Menang ang kaniyang anak na si Gabbie, habang ito ay naghuhugas ng mga pinagkainan.
"Anak, isara mo muna ang gripo. Sayang kasi ang tubig, e," sabi niya sa anak.
"E, 'Ma, gusto ko po kasing matanggal na ang bula para madali na lang banlawan," sagot ni Gabbie.
"Mali iyon. Maaksaya kapag ganoon ang style mo ng paghuhugas. Ganito..." Isinara ni Aling Menang ang gripo. "Ipatong-patong mom una ang mga plato sa isang tabi habang sinasabon mo." Pinatong-patong niya nang maayos ang mga plato. Tinanggal niyang ang mga nakaharang sa lalabo at nilagyan niya ng palanggan. "Pagkatapos mong sabunin lahat, saka ka magbanlaw. Mas matipid sa tubig kapag gagamit ka ng palanggana. "Sige, tapusin mo muna ang pagsasabon mo habang pinupuno ko ng tubig ito."
Tahimik namang sumunod si Gabbie.
"O, ayan, puwede ka nang magbanlaw. Sa dalawa o tatlong banlaw, makauubos ka lang ng dalawa o tatlong palanggana ng tubig. Magkapareho ang linis, pero mas tipid ang estilong ganito."
"Pero, mas matagal po, 'Ma."
"Hindi na bale, Anak. Ang mahalaga, makatipid tayo ng tubig. Ang matitipid natin sa pagbabayad ng water bill ay maipapambili natin ng ibang pangangailangan. Tandaan mong mahalaga ang bawat sentimo."
"Sabagay, tama po kayo, 'Ma."
"Napilitan ka lang yata, Gabbie."
"Hindi po, 'Ma... Hayaan mo po, hindi na po ako maghuhugas."
"Ano?" Naipatong ni Aling Mena ang kaniyang mga kamay sa kaniyang baywang.
"Biro lang po, 'Ma... Opo, susundin ko na po kayo. Basta kapag malaki po ang natipid natin... bili mo po ako ng bagong damit."
"Ay, naku, Gabriela!" Kinurot niya kunwari ang anak. "
Natawa na lang si Gabbie sa ina.
Iniwan na siya nito. Pagkatapos, sinunod naman niya ang suhestiyon ng kaniyang ina.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!