Ang yayabang ng ibang manunulat! Natuto lang sumulat ng kuwento, kung makapagkomento sa akda ng iba, wagas!
Cliche raw ang kuwento na sinulat ng iba.
Por Dios por santo! Akala mo kung sinong sikat! Akala mo kung sinong magaling! Akala mo kung ang akda niya ay hindi gasgas.
Nakakainis lang.
Ang bawat manunulat ay unique. Maaaring nagawa na ng iba ang sinulat niya ngunit karapatan niyang sulatin ang gusto niyang tema, kisihudang katulad ng akda ng iba. Kung cliche man ang akda niya, walang mangingialam! Diskarte niya 'yan.
Walang karapatan ang sinuman na tawaging cliche ang akda ng isang manunulat sapagkat wala namang cliche meter, walang anti-cliche law, walang cliche identifier. Wala! Wala!
Tao lang ang manunulat. May kahinaan. Kaya nga siya nagsusulat siya ng akdang common sa kanya at sa iba dahil iyon pa lang ang abot ng kakayahan niya. Huwag naman sanang hanapan siya ng akda gaya ng kay Shakespeare.
May tamang panahon para sa kanya. Hintayin lang natin.
Kung may cliche man, 'yan ang history, dahil paulit-ulit.
Ikaw. Isa pang paratang sa kapwa mo manunulat... Tatawagin kitang cliche writer. Cliche ka!
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!