Pagtanaw sa Utang na Loob

32 1 0
                                    

"Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan."

Ito na yata ang motto nating mga Pilipino dahil tayo ay tumatanaw ng utang na loob. Hindi natin kinalilimutan ang taong tumulong sa atin sa oras ng ating pangangailangan, gayundin ang maliit o malaking tulong na kaniyang nagawa. Kaya sa oras na siya naman ang mangailangan, tayo rin ang tutulong sa kaniya. Magkaiba man ang paraan ng pagtulong, ang pagtanaw sa utang na loob ay iisang paraan lang. Ang pagpapasalamat at patuloy na pagpapakabuti sa taong tumulong sa atin ay isang uri ng pagtanaw ng utang na loob. Hindi raw ito nababayaran, pero matutumbasan pagdating ng panahon.

Patuloy lang nating lingunin kung saan tayo nagmula at kung sino ang mga naroon noong panahong hindi ka pa nakakaabante. 

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon