Zandro: Alam mo ba ang ibig sabihin ng bagong batas na
pinirmahan ni Pangulong Duterte?
Nathaniel: Alin do'n? Ang Anti-Terror Bill?
Zandro: Oo, pasado na! Pinirmahan na noong July 3. Napanood
ko sa tv.
Nathaniel: Talaga? E, wala naman tayong magagawa roon kasi
mga estudyante pa lang naman tayo. Sila naman ang gumagawa ng batas. Tagasunod lang tayo.
Zandro: Oo nga, pero may pakialam dapat tayo kasi tayo ang
bumubuo sa gobyerno.
Nathaniel: Naku, Zandro! Dumale ka na naman... Dinadaan mo
naman ako sa mga ganyan mo.
Zandro: Hindi... Akala ko kasi interesado ka sa mga isyung
napapanood at napapakinggan mo.
Nathaniel: Interesado naman ako, pero hindi ko pa iyan
maunawaan... Saka hindi ko naman iyan kailangan.
Zandro: Sa ngayon, oo, pero darating ang araw... kailangan
mong malaman ang mga bagay-bagay sa paligid natin.
Dapat mayroon tayong opinyon o reaksiyon sa mga isyu.
Nathaniel: Hindi naman kasi tayo magkapareho. Matalino ka. Ako,
hindi... Sige na, maglalaro pa kami ni Andoy.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!