Kaugaliang Pilipino
Isang Sabado, dumating si Miguel sa bahay ng kaibigan niyang si Stephen.
Stephen: O, napasugod ka!
Miguel: Oo, magpapatulong sana ako sa iyo. May takdang-aralin kami sa Araling Panlipunan. Tungkol ito sa mga kaugaliang Pilipino.
Stephen: Mga kaugaliang Pilipino? Alam ko ang mga iyan! Naalala ko pa iyan noong nasa elementarya ako.
Miguel: Talaga? Sige, patulong naman...
Stephen; Halika, tuloy ka!
Nasa sala na ang magkaibigan. Nailabas na ni Miguel ang kaniyang kuwaderno at bolpen.
Miguel: Ano-ano ba ang kaugaliang Pilipino?
Stephen: Marami ang kaugaliang Pilipino, pero ang pinakatanyag ay ang mga sumusunod.
Miguel: Isa-isa lang, ha, para maisulat ko.
Stephen: Sige! Una, bayanihan.
Miguel: Bayanihan! Alam ko iyan. Iyan ang pagtutulungan ng magkakapitbahay o mga Pilipino sa oras kagipitan o pangagailangan, kahit kailan o kahit saan.
Stephen: Tama! Nagsimula ito sa mga lalawigan noon, kung saan, nagtutulungan ang magkakapitbahay sa pagbuhat o pagtayo ng bahay o kaya sa pagsasaka. Sinasabayan pa nila ng pag-awit para hindi nila madama ang pagod.
Miguel: Wow! Ang galing naman ng mga Pilipino!
Stephen: Oo! Pangalawa, ang matinding pagkakabuklod-buklod ng mag-anak, sa Ingles ay 'closed family ties.'
Miguel: Closed family ties. Ayan! Naisulat ko na. Ano nga ba ito?
Stephen: Ang mga Pilipino kasi ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Kaya nga, maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga probinsiya, kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay magkakakilala.
Miguel: Oo nga! Ganiyan tayo. Kaya nga minsan, kasama natin sa bahay ang mga tiyo, tiya, at pinsan natin.
Stephen: Korek! Sunod, ang pakikisama.
Miguel: Pakikisama. Okay! Noted na. Ano raw ito?
Stephen: Ito ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa iba.
Miguel: Magaling tayo sa pakikisama. Kaya nga, palakaibigan tayong mga Pilipino. Sunod?
Stephen: Ang susunod ay ang kaugaliang hiya.
Miguel: Hiya? Bakit? Kaugalian pala ito ng mga Pinoy?
Stephen: Oo! Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan.
Miguel: Naunawaan ko na. halimbawa, ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat ang kabuhayan niya. Ayaw kasi nating mapahiya sa maraming tao. Nakararamdam tayo ng hiya at nawawalan ng lakas ng loob kapag hindi tayo nakakasunod sa gusto o inaasahan ng iba.
Stephen: Tama ka! Maganda naman na ang bawat isa ay may hiya. Ang susunod ay ang pagtanaw ng utang na loob.
Miguel: Naisulat ko na. Ano ang utang na loob?
Stephen: Okay! Ang utang na loob ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kaniya sa mga pagsubok sa buhay niya. Halimbawa, nakahiram ka ng malaking halaga sa kapitbahay o kamag-anak mo nang kailangan mo ng pera para pambayad sa hospital. Nabayaran mo man, pero may utang na loob ka na sa kaniya.
Miguel: A, iyon pala iyon. So, dapat kong tanawin iyon?
Stephen: Yes! May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.
Miguel: Sa ibang paraan, mababayaran din natin ang utang na loob.
Stephen: Tama ka. Ang susunod ay ang amor propio.
Miguel: Amor propio? Parang ngayon ko lang ito narinig. Ano ba ang ibig sabihin nito?
Stephen: Ang amor propio ay ang pagpapahalaga ng isang tao sa kaniyang dignidad.
Miguel: A, may kinalaman ito sa moralidad ng tao. Ayaw nating nakikitaan tayo o gumagawa tayo ng masama.
Stephen: Tumpak!
Miguel: Andami kong natutuhan ngayon.
Stephen: May dalawa pa.
Miguel: A, talaga? Ano-ano iyon?
Stephen: Ang delicadeza at palabra de honor. Ang salitang Kastila.
Miguel: Ang delicadeza muna.
Stephen: Ang delicadeza ay isang ugali, na kailangang kumilos nang tama at nasa lugar ang isang tao. Kailangang ang pagkilos ay tanggap ng lipunan upang hindi marumihan ang dignidad ng mag-anak. Parang katulad ito ng amor propio. Halimbawa, hindi naman ikaw ang dapat tanghaling panalo, kaya tatanggihan moa ng premyo. Ibabalik mo.
Miguel: Gets ko na! Next, ang palabra de honor.
Stephen: Ang palabra de honor ay Tagalog ng "may isang salita." Isa itong kaugalian ng mga Pilipino na kailangang tuparin ang mga sinabi nitong mga salita o pangako. Ayaw nating nabibigo natin ang ating kapwa.
Miguel: Yehey! Tapos na ang takdang-aralin ko! Salamat, kaibigan! Tatanawin kong utang na loob ito.
Stephen: Walang anuman! Maliit lang na bagay ito. Isipin mo na lang na isa itong bayanihan.
Nagkatawanan ang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!