Hugot ng Pulubi

314 5 0
                                    

Nagbigay ng kapirasong papel sa mga pasahero ang isang batang lalaki.

Bata: "Kuya/Ate, pahingi naman po ng pangkainin. 

Pasahero 1: (Nagbigay ng P100)

Bata: "Salamat!"

Pasahero 1: "Bata, wala ka bang mga magulang?"

Bata: "Ang sakit niyo naman pong magsalita. Hindi po ako putok sa buho. Hindi rin naman po ako si Adan, na mula lang sa alabok."

Pasahero 1: "I mean, kasama mo ba sila ngayon?"

Bata: "Hindi naman po siguro kayo bulag. Mag-isa po akong humihingi sa inyo ng limos. Kailangan pa po bang nariyan sila para bigyan niyo ako, kahit barya?"

Pasahero 1: "Hay, naku! Hindi barya ang kaya kong ibigay sa'yo! (Dumukot ng isandaang piso sa bag) O, ayan! Andami mong hugot!

Bata: "Salamat po!

Pasahero 2: "Ano ang ginagawa ng mga magulang mo? Bakit ka nila pinagpapalimos?"

Bata: "Ang mga tao nga namam... Alam naman nila ang sagot sa tanong nila, magtatanong pa... Lagi na lang ba akong magpapaliwanag? Sawang-sawa na ako. Hindi ko naman kagustuhang mahirap lamang ang pamilya namin. Ipinanganak kaming walang gintong kutsara sa bibig. Pero, kung ang gobyerno sana ay may puso para sa mga katulad ko, disin sana'y hindi ako sa inyo humihingi ng limos..."

Pasahero 2: (Nagbigay din ng P100.)

Bata: "Salamat po! Kayo po, Kuya?"

Pasahero 3: "Ako? Humihingi ka sa akin? Bakit? Noong kabataan ko ba ay may nagbigay sa akin ng isandaan? Wala! Wala!"

Bata: "Astig si Kuya! Ex-pulubi! Hindi po halata... Ganda ng neck tie niyo!"

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon