Isang katangian ng mga Pilipino ang pagiging masiyahin at palabiro.
Marunong magbiro ang mga Pilipino sa kahit anong sitwasyon. Madali tayong makatakas sa sakit na dulot ng krisis at problema dahil tayo ay palatawa, palangiti, at palabiro. Kahit hindi angkop sa situwasyon ang pagbibiruan, sinasalamin nito ang pagiging mayasahin at determinado ng mga Pilipino sa harap ng kahirapan, sakuna, kalamidad, at anomang pagsubok sa buhay.
Kaya, para sa mga Pilipino, 'Tawanan na lang ang problema.'
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!