Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligiran nito. Ito na marahil ang mag dahilan kung bakit kailangan isama ito sa bucket list sa inyong susunod na paglalakbay.
Narito ang ilang bayan sa Sorsogon na tiyak akong magugustuhan at babalik-balikan ninyo.
Sa Bacon ay matatagpuan ang Paguriran Lagoon, isang kamangha-manghang tanawin. Kay sarap lumublob sa tubig dito. At kay gandang akyatin ang mga rock formations, kung saan matatanaw ang mga kalapit na dalamapsigan at karagatan.
Sa Donsol ay matatagpuan ang mga butanding. Ito ang pangunahing pang-akit ng lalawigan. Ito rin ang tamang lugar kung nais ninyong lumangoy kasama ang mga 'gentle giants.' Sa gabi naman, maaari kayong manood ng mga alitaptap sa tabi ng Donsol River. Ang ilaw mga alitaptap sa gitna ng kadiliman ay isang pambihirang karanasan.
Sa Matnog ay matatagpuan ang Subic Beach at Tikling Island. Ang Subic Beach ay may mala-pulbos at puting dalampasigan at mala-salamin at turkesang tubig. Ang Tikling Island, hindi man ganoon kasikat, ay kasingganda ng Bohol at Boracay. Ang dalawang ito at Instagramable talaga!
Sa Bulusan ay matatagpuan ang Bulusan National Park. Ito ay nabuo dahil sa pagsabog ng Bulkang Bulusan. Isa itong lawa, na napapaligiran ng luntiang kagubatan. Masisiyahan talaga ang mga mahilig sa kalikasan.
Sa Barcelona ay matatagpuan ang St. Joseph Church. Ito ay isa sa mga bakas ng kolonyalismo ng mga Kastila at isa sa mga istrukturang magpapaalala sa Katolisismo noong panahon. Ang simbahang ito ay siyang pinakamatandang simbahan sa lalawigan.
Sa Irosin ay matatagpuan ang San Benon Hot Spring. Ito ay isang mainam na lugar upang makapagpahinga at buhayin muli ang pagod na katawan. Ang mainit na tubig lamang ang kailangan pagkatapos ng isang nakakapagod na araw ng mga aktibidad.
Sa Bulusan at Casiguran naman ay maaaring mag-waterfalls-hopping. Ang Bayugin, Nasipit, Palogtoc, and Namuat Falls ay ilan lamang sa mga ito na maaaring isasama sa inyong itinerary. Ang malalamig na tubig ang magpapanatili ng enerhiya sa inyong paglalakbay.
At sa Gubat ay matatagpuan ang Rizal Beach kung saan ang bagong tuklas na dalampasigan para sa mga surfers. Dito ay maaaring mag-arkila ng surfboard at magsanay sa paggamit nito sa napakamurang halaga. Exciting, 'di ba?!
Ang Sorsogon ay isang destinasyon na may samot-saring karanasang matatamo. Ito ay lalawigang ipinagmamalaki ng mga Bicolano. Kaya siguradong ang biyahe ninyo'y sulit at garantisado.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!