Si Andres Bonifacio ay Pilipinong rebolusyonaryo at bayaning nagtatag ng Kataastaasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK), isang lihim na katipunang nakipaglaban sa mga mananakop na Espanyol. Siya ang isa sa mga unang nagkaroon ng malinaw na pananaw sa pagkakaroon ng kalayaan ang Pilipinas. Siya ay kinikilalang 'Ama ng Himagsikan at Rebolusyong Pilipino.' Siya ay bantog sa tawag na Supremo.
Siya ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863 sa Tondo, Maynila. Sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro ang kaniyang mga magulang. Lumaki siya sa mahirap na pamilya. Hindi naging madali ang buhay niya lalo na nang pumanaw ang kaniyang mga magulang noong 14-anyos pa lang siya. Dahil dito, natigil siya sa kaniyang pag-aaral.
Sa kabila ng kakulangan niya sa pormal na edukasyon, nagsumikap siyang matutong magbasa at magsulat wikang Espanyol at Tagalog sa pamamagitan ng pagsasariling-sikap. Naging dahilan ito upang matanggap siya bilang clerk-messenger sa isang kompanyang Aleman.
Mahilig magbasa si Bonifacio. Naging interesado siya sa klasikong kanluraning rasyonalismo at mahilig magbasa ng mga gawa nina Victor Hugo, Jose Rizal, at Eugene Sue. Kahanga-hanga rin ang interes niya sa mga libro tungkol sa French Revolution at ang mga buhay ng mga presidente ng Amerika. NAgresulta ito sa pagkakaroon niya ng malalim na hangarin na magbago ang kalagayan ng mga Pilipino sa pagiging kolonya ng Kastial. Napasali siya sa La Liga Filipina.
Ang La Liga Filipina ay isang samahang itinatag ni Jose Rizal noong Hulyo 3, 1982. Layunin nitong pagkaisahin ang mga Pilipino upang magkaroon ng reporma, maayos na edukasyon, kooperasyon, at malayang bansa.
Noong ika-7 ng Hulyo, 1892, apat na araw pagkatapos ng pagkatatatag ng La Liga Filipina, itinuloy ni Bonifacio ang pakikibaka sa pamamagitan ng pagbuo ang Katipunan sa bahay ni Deodato Arellano sa Calle Azcarraga, Maynila. Isinagawa nila rito ang sandugo. Ito ay isang pangako ng pag-ibig at kapatiran sa bawat kababayan. Naniniwala ang mga kasapi ng Katipunan na makakamit lamang ang tunay na kaginhawaan at kalayaan kung ang mga tao ay may mabuting kalooban para sa bawat isa. Dito na rin niya tinanggap ang titulong 'Supremo.'
Noong ika-19 ng , natuklasan ng mga Espanyol ang Katipunan. Nakatakas naman si Bonifiacio at iba pang mga Katipunero sa Manila mula sa paghahanap ng mga Espanyol. Nakarating sila sa isang baryo sa Caloocan, Balintawak.
Bitbit lang bolo, sibat, paltik, at ilang mga lumang Remington rifle, nagpulong ang mga Katipunero noong Agosto 24, 1896. Ang pagdalo 500-1,000 katao ay naging hudyat ng magandang simula ng himagsikan. Dito na isinagawa 'Ang Sigaw sa Balintawak,' na kilala rin sa tawag na 'Ang Sigaw ng Pugad Lawin.'
Sa kalagitnaan ng pulong, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng salungat at pabor sa pag-aalsa. Dala ng galit, nasambit ni Bonifacio ang linyang ito: "Kalayaan o kaalipinan? Kabuhayan o kamatayan? Mga Kapatid, halina't ating kalabanin ang mga baril at kanyon upang kamtin ang sariling kalayaan." Pagkatapos nito'y pinunit niya ang kaniyang cedula at sumigaw ng "Mabuhay ang Katipunan!"
Ang pagsuway na ito ng Katipunan sa mga Kastila ay naging isa sa mga pinakamainam sa araw sa kasaysayan ng Pilipinas.
Noong ika-30 ng Agosto,1896, pinamunuan ni Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang paglusob sa El Polvorin sa San Juan. Ito ay imbakan ng pulbura at estasyon ng tubig. Nagawa itong makuha ng mga katipunero, kahit binabantayan ito ng mga armado at bihasang kawal ng Espanyol. Gayunpaman, mahigit 150 Katipunero ang nasawi sa labanan.
Ang tagumpay na iyon ay umalingawngaw sa buong bansa, kaya ang bayan ng San Juan del Monte ay naging isang pambansang simbolo ng pagkakaisa, kalayaan, a banal na lugar ng lakas ng loob ng mga Pilipino.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!