Kay rami nating diyalekto. Kay rami na ring naging pinuno. Ngunit, matatag nga ba ang ating bansa?
Masakit sabihing hindi, pero hindi ako papayag na talagang hindi. Kaya, ipagsisigawan ko... matatag ang ating bansa! Ipinagmamalaki kong bigkasin... ang Republika ng Pilipinas ay isa nang matibay at matatag na bansa!
Pilipino ka. Dapat naniniwala kang sa pagkakaroon ng maraming wika at may kaunlaran. Hindi ka na magtatanong kung bakit?
Una. Nagsulputan ang mga call center sa Pilipinas. May kaunlaran...
Pangalawa. Nakakapagtrabaho tayo sa iba't bang bansa--- sa Hapon, halimbawa. May kaunlaran.
Pangatlo. Nawiwili sa ating bansa ang mga turista. May kaunlaran.
Pang-apat. Ikaw na ang magbigay-katuturan sa mga punto ko.
Kay rami nga nating diyalekto at wika. Kay rami nga nating naging pinuno. Lahat ng mga iyan ay balewala, kung iisa lang ang ginagamit nating wika. Titibay ang bansa, kung may iba't ibang wikang sinasalita. Ingat ka lang, ha? Baka Wikang Filipino ay makalimutan mo na. masama na iyon at hindi nararapat. Ang ibig ko lang naman ay matatag na bansa, may pagkakaisa, at may pagkakaunawaan, kahit marami ang wika.
Hindi naman masama ang gumamit ng ibang wika. Hindi naman kita pupulaan, kung ang pagsasalita mo ay banyaga. Hindi naman ako luluha kung marami kang winiwika. Basta ba, isipin mo rin, kung paano magiging mas matatag ang ating bansa, dahil sa iyong gamit na wika.
Ngayon, puwede mo ba akong suportahan sa aking adhika? Pumalakpak ka nga, kung sumusuporta o sumasang-ayon ka sa akin...
Salamat! Salamat sa mga tunay na Pilipino!
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!