Mga Uri ng Katrabaho

147 3 0
                                    

Sa trabaho, hindi mo mapipili ang makakasama. Lahat ng uri ng ugali ay matatagpuan dito, lalo na ang masama.

Kilalanin natin ang mga kalaban.

Third Eye – Siya ang empleyadong mala-Nostradamus kung manghula. Hindi pa nga ginagawa ng kaniyang kasamahan, alam at nakikita na niya. Paranoid siya. Lahat ng kilos ng kaniyang mga katarabaho, pakiramdam niya ay against sa kaniya. Palibhasa, may ginagawa siyang masama.

Gifted – Siya ang trabahador na mahilig magbigay ng regalo para lang bumango sa kaniyang amo. Lahat ng okasyon ay may ibinibigay siya sa boss, kahit pa wala nang natitira sa kaniyang sahod o kahit pa ipangutang niya ito.

CCTV -- Ang tanging trabaho niya ay tingnan ang ginagawa ng mga kasamahan. Wala na siyang nagawa kundi ang mag-abang ng mga kapalpakan ng iba. Hindi na niya tuloy makita ang sarili niyang dungis sa mukha.

Dishwasher -- Siya naman ang kasamahang mahusay maghugas-kamay. Madalas siyang makagawa ng kasalanan at kapalpakan, pero siya ang numero-unong mahilig magpatay-malisya at magmaang-maangan. Minsan, may sinisisi pa siyang iba, samantaang siya ang dahilan ng kaguluhan.

Party Planner -- Siya ang kasamahan mong nagtatakda ng kainan o party para makalibre siya. Alam na alam niya ang mga birthdays ninyong magkakatrabaho. Kahit nga nanalo ka lang sa Clash of Clan, hihingian ka na ng blowout.

Assistant Boss -- Siya naman ang feeling boss. Hindi mo malaman kung kapatid o kamang-anak siya ng amo ninyo. Ayaw niya kasing magtrabaho at tumanggap ng trabaho. Makapal ang mukha niyang tumanggap lang ng suweldo kada buwan. At huwag ka, nakakapagnegosyo pa siya sa loob at labas ng trabaho.

Ronda Patrol -- Siya ay mahilig rumonda. Tinalo pa niya ang supervisor. Ang hindi maganda sa kaniya, kung ano-ano ang napagmamasdan niya sa mga kasamaha, na ibino-broadcast niya pa sa iba. May dagdag-bawas pa.

Master Chef -- Siya ang master sa sipsipan. Putahe niya ang laging bida. May gayuma ang kaniyang lutuin, kaya si Boss ay gustong-gusto siya, kahit wala namang kabuluhan ang mga ginagawa niya para sa grupo.

Mga co-workers, mag-ingat tayo sa kanila. Laganap sila at hindi natin mapipigilan ang pagdami nila. Ang tangi na lamang nating sandata ay pagiging mapagpakumbaba at pagiging mabuting empleyado. Kumampi at makiayon na lang tayo sa kabutihan. Hayaan na lang natin sila. Ang mahalaga... tuloy ang suweldo!

ABNKKSuLatNPLAKoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon