Ang mga kuwento ay parang mga ulam. Iba-iba ang sangkap. Iba-iba ang paraan ng pagluluto. Iba-iba ang lasa.
Kung sasabihin mong may kuwentong gasgas, ipokrito ka. Para mo na ring sinabing hindi ka paulit-ulit na kumakain ng ulam. Ang yaman mo! Bawat meal mo, gusto mo ibang putahe. Walang katulad na ingredeints, lasa, at pagkakaluto.
Tandaan mo, ang mga kuwento ay parang mga ulam. Pinasasarap ito ng bawat tagaluto. Pinaghihirapan nilang piliin ang bawat sangkap. Sinisigurado nilang tama ang pagkakaluto nito-- hindi hilaw at hindi rin sunog. Nasa iyong panlasa kung magugustuhan mo.
Kung hindi mo gusto, huwag mo nang tikman. Huwag mo nang sasabihing paulit-ulit kasi bago mo pa isinubo, alam mo na ang uri ng ulam na iyong isusubo. Tanga ka na lang kung hindi ko alam kung ano ang sinubo mo.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!