Sa mga kanluraning bansa, umaalis na sa bahay ng magulang ang anak kapag tumuntong ito sa edad na labingwalo upang mamuhay nang malaya. Sa Pilipinas, hindi lilisan ang anak hanggang gusto nito at gusto ng mga magulang.
Para sa mga pamilyang Pilipino, mahalaga ang pagkakabuklod-buklod nila. Ang sama-sama nating pamumuhay ay isang simbolo ng kaligayahan. Namumuhay tayo nang sama-sama dahil naniniwala tayong maaalagaan natin ang isa't isa. Kaya nga, kadalasan ang pagtitipon ng magkakapamilya at magkakamag-anak. Salo-salo tayo sa kainan. Sama-sama rin nating hinaharap ang mga masasaya at malulungkot na bahagi ng buhay. Pinatatatag tayo ng pagiging buo ng ating pamilya.
Pambihira ang kaugaliang ito nating mga Pilipino. Sa totoo lang, araw-araw nating ipinagdiriwang ang kahalagahan ng pagiging malapit sa pamilya.
BINABASA MO ANG
ABNKKSuLatNPLAKo
RandomMasarap ang halo-halo. Masarap din ang pagsusulat. Mas masarap namang magsulat kapag may inspirasyon. Ang pinakamasarap sa lahat ay kung hindi nega ang reader nito. Salamat!