16 - Heart to heart talk

2.5K 68 4
                                    

Letth's POV

Nagising ako dahil sa ingay sa baba. Pero teka? Bakit parang nasa ibang kwarto ako?

Ay, tanga -_- Nag overnight nga pala kami. Pumasok muna ako sa cr at naghilamos. Pagkatapos kong maghilamos ay lumabas na ko nang kwarto. Kahit nasa taas palang ako rinig na rinig ko na ang ingay nila. Anong bago? Pero teka, anjan na kaya sila Jam?

"Goodmorning Letth!" Masiglang bati sakin ni Dendo. Psh pacute. 

Inirapan ko lang siya at tumingin kay Kyna.

"Nakita mo na sila Jam?" Tanong ko sa kanya. Impakta yung babaeng yun. Kahit ganun yun namimiss ko yun.

"Uhm, Yes. Natutulog pa ata siya e. Andun siya sa kwarto sa taas. Yung katabi ng room mo, yung ----" Kahit kailan talaga ang daldal. Inirapan ko nalang siya at umakyat ulit sa itaas. Kailangan kong makausap si Jam. Tss, ang kitid pa naman ng utak nun.

"Ang daldal kasi." Rinig kong sabi ni Ralph kay Kyna.

"E tinanong nya ko e, tapos sinagot ko lang naman siya. Kasalanan ko bang sagutin yung tanong nya? Edi sana hind----" Ayan na naman siya. The one and only Kyna daldal.

Kaya madaming naiirita sa kanya eh. Umaasa pa ba siyang makakahanap siya ng mga kaibigan pa? Aish, stupid.

"SHUT UP! Kanina pa kayo." Sigaw naman ni Dendo. Bahala sila jan. Hindi ko nalang pinakinggan pa mga pinag-usapan nila. I really need to talk Jam.

Andito na ko sa tapat ng room niya. Kinalma ko muna yung sarili ko, dapat hindi ko pairalin yung inis ko. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Epic!

"Problema?" See? Tinatarayan pa ko. Aba aba, sarap hampasin. Inirapan ko lang siya bago siya tingnan.

"Mag usap tayo." Nakita ko namang nagsmirk siya na mas lalo kong kinainis.

"Nag uusap na tayo." Sabay pasok niya sa loob. Konting timpi pa Letth, konting timpi pa.

Pumasok na din ako sa loob. Alangan namang tumunganga ako sa labas diba?

"Anong kailangan mo?" Kailangan ko ng pera. Kidding, yaman yaman ko e. Yaman lang, yaman yaman si pacquiao na yun e. K, corny ko.

"Ikaw. Di na ko magpapatumpik tumpik pa boom kara karaka. Pwe, about last night. Im really sorry." Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na. "Ako muna okay? So ayon nga, dare lang lahat yun. Di ko ginusto yun at di din ginusto ni Jm yun. You know me, si Penyx lang ang gusto ko. Kung tutuusin ikaw ang may atraso sakin e. Remember, nawala ka bigla. Then nung pagdating mo kasama mo na si Penyx. Tell me, magkasama ba kayo nun? Ha?" Then i look at her eyes. Halata namang nagulat sya sa mga sinabi ko. Ew, sa tanang buhay ko ngayon lang ako nag speech nang ganyan kahaba.

"Whaaaaat?! OMG!! So you mean walang meaning yun? Hindi mo siya gusto? i mean hindi niyo ginusto yun?" Paulit ulit -___- sakit sa mata ng babaeng to. ugh. Tumango ako sa kanya at bigla nalang akong niyakap. "Sorry beastfriend! Sorry, huhu nagconclude kaagad ako. Sorry, kasi naman beastfriend akala ko talaga ano e.. uhm, akala ko gusto mo rin siya. Sorry ulit beastfriend. Pero teka? Yung kay Penyx? OMG! Hindi kami magkasama at hindi pa kami nagkakasama. Anong sinasabi mo jan?" Sigaw niya sakin. Kahit kailan talaga to. Pero sa totoo lang natutuwa ako at nagkakaunawaan naman kami ni Jam. Akala ko di na maayos, ang kitid kasi ng utak niya e.

"So sino yung kasama mo dun sa may puno? Don't tell me multo yun." Malay niyo naman diba? Mamaya may third eye pala tong bestfriend ko.

"Gaga! Haha, ah yun ba? Nakalimutan ko na yung pangalan e. Hehehe, hayaan mo na yun. Hehe, kumain kana ba beastfriend?" Teka, bakit parang biglang nag-iba itsura ni Jam? Tss, nagsisinungaling ba sya? Ugh, no. she can't do that. I know her.

"Hindi pa, halika na nga. Nagugutom na ko at baka ikaw pa ang makain ko." Sabay labas ko sa kwarto na yon. Ayoko muna mag-isip. Ang ganda ko para mamroblema. Hahayaan ko muna yung problema ang mamroblema. Haha, kailan pa kaya yun? Well let see.

Balik sa normal na naman buhay ko. Pero malakas ang kutob ko may tinatago sakin si Jam e. Dama ko e. Well, malalaman ko din yun. Hindi naman yun naglilihim sakin ng matagal e. Yun pa ba? Isang pangongonsensya ko lang sa kanya magsasalita na agad yun. Pero teka, kung hindi magkasama si Penyx at Jam, san nagpunta si Penyx?

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon