21 - The moves

2.2K 57 5
                                    

 Letth's POV

Nakakapagod na araw :(

Wala kaming ibang ginawa ni Dendo kundi mamili. Kahit papano mabait naman pala siya. Di ko nga iniexpect na ililibre niya ko e. Bayad niya daw sa lahat ng kagaguhang ginawa niya sakin. Infairness ang sarap niya kasama. Kaso di ko talaga mareach yung napagkamalan kaming kami ni Christina. Nakakahiya, mamaya ibash na naman ako ng mga fans ni Dendo.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Ay oo nga pala, kasama ko pa pala si Dendo. Ihahatid niya daw ako sa bahay e. 

Sabi ko nga wag na, 7 pm palang naman. Kaso makulit siya, hayaan na. Aarte pa ba ko?

"Kasi napagkamalan pa tayo ni Christina e. Asar, anyway close kayo?" Naalala ko lang kasi yung eksena nila kanina e.

"Sorry, my fault. Fb post remember? Haha, yes." Ay oo nga! Yung sa wall ko pala, madelete na nga yun.

"Sira ka kasi e! Bawiin mo yung pinagsasasabi mo dun ha?" Di naman sa ayoko kay Dendo pero kasi loyal talaga ako kay Penyx. 

Kahit walang kami.

"Yeah yeah." At nagmaneho lang siya. Feeling ko rin pagod tong isang to e. Sino ba namang di mapapagod sa mga pinag gagagawa namin diba? Haha pero swear ang saya. Di ko nga namalayan yung oras e. 

"So paano mo naman naging kaclose si Christina?" Wala lang, nacurious kasi ako sa kanya simula nung sa cr e.

"Kababata ko siya. Actually special siya sakin." Uh-oh. Bat ako di ko na tanda mga kababata ko? Buti pa sila.

"Really? Paano?" Curious nga kasi ako sa kanya.

"Maybe next time ko nalang ikukwento. Napagod ako e." Sayang, well okay narin. Di ko rin naman siya masisisi.

"Okay, okay. Sorry." 

Ang tagal naman, feeling ko ang bagal ng oras. Ngawit na ngawit na ko dito. Gusto ko na humiga at matulog. 

"You okay?" Pag sinabi ko bang hindi may magagawa siya? Haha funny ko. Ang bait bait sakin ng tao alangan namang tarayan ko diba? 

"Yes, im okay. Ikaw ba? Mukhang pagod na pagod ah?" Kumuha ako ng tissue sa bag ko at binigay sa kanya. Ang haggard niya, naka-aircon naman.

"Gusto mo mabangga tayo?" Ay oo nga pala, nagmamaneho siya psh.

Tinupi ko yung tissue at tsaka pinunas sa noo niya pababa sa may pisngi. Grabe naman tong lalaking to kung pagpawisan. Mabuti nalang di mabaho yung pawis niya, diba kasi yung iba? Malagkit pa, pwe.

"Oh anong nginingiti ngiti mo jan?" I asked him. Mamaya baliw pala to, mahirap na no.

"Wala lang, narealize ko lang na ang swerte ko pala pag naging girlfriend kita." Wala daw tapos meron naman pala. Pero anong sabi niya?! Girlfriend niya?! Tss, sira ulo.

"Sira din ulo mo no? Di pa nga tayo magkaibigan e, girlfriend agad? Lul oy!" At binato ko sa kanya yung tissue. Minsan talaga nakakabaliw to kausap. 

Kagaya nalang kanina sa forever 21, may kinukwento siya sakin tas sabay isisingit niya na what if ligawan niya daw ako -___-" Ang baliw diba? Psh

"Hindi pa ba? I guess nag aasume lang pala ako." Bigla namang lumungkot yung mukha niya. Ughhh! Naguguilty tuloy ako.

"Joke lang, syempre magkaibigan na tayo." Binibiro lang e, di ko naman alam na madamdamin pala to.

"So pwede na kita maging girlfriend?" Damn.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon