36 - Bwisitor

1.4K 50 10
                                    

Letth's POV

Kakauwe ko palang galing school. Ugh bwiset, ang dami na namang gagawin next week.

Umupo ako sa sofa at minasahe ang ulo ko.

"Kanina ka pa?" Di ko na kailangan tingnan kung sino yan. Boses palang alam ko na.

"Tingin mo?" Naiinis parin ako! Kung bakit ba kasi ako nasali sa program next week eh! Hindi ko naman gusto yun.

"Tss, anong problema?" Umupo siya sa tabi ko.

Napansin kong naka-apron siya. Anong trip niya?

"Bat mo suot yan?"

Tinuro niya pa yung apron, psh. Ay hindi, yung kawali talaga yun eh.

"Bakit ba sinusuot to?" Inirapan ko lang siya at pumunta na sa kusina.

Papasok palang ako sa kusina pero amoy na amoy ko na niluluto niya. Damn, adobo!

Kakaiba yung amoy ng adobo niya, kahit amoy palang matatakam kana agad.

"Wow, di ko alam na nagluluto ka pala."

Kumuha siya ng kutsara at binigay sakin. Oh anong gagawin ko dito?

Tinitigan ko lang yun at hindi pinansin.

"Kunin mo. Oh gusto mo subuan pa kita?" Nagsmirk pa ang loko.

Inabot ko na yung kutsara at tinikman ang adobo niya.

"Hm.." Bakit.. Bakit ang sarap?! "Ang sarap. Baka mamaya may gayuma to ha!"

"Assuming ka parin Letth." Wow! Anong nakain niya at ang bait niya?! Ugh! Masakit na nga ulo ko sasakit pa lalo dahil kay Jm.

Hindi ako sanay na ganyan siya kabait. Mamatay na ba to?

"Kinikilabutan ako sa asta mo." Umupo ako sa upuan at pinanuod siyang nagluluto.

Nakakaturn-on talaga mga lalaking marunong magluto. Hindi ko sinasabing natuturn-on ako kay Jm okay? I mean pwede narin pero hindi talaga eh.

"Nakita ko si Penyx kanina.." Pabitin na sabi ni Jm.

Mukhang inaabangan niya magiging reaksyon ko. Oh? Ano namang pake ko dun? Hindi ko na sasayangin oras ko dun. Magsama sila ni Jam.

"Tapos?" Tinaasan ko pa siya ng kilay pero ang loko loko, tumawa lang.

"Wala, ang bitter mo parin." Hindi ko nalang siya pinansin at inantay na matapos yung adobo niya.

Makalipas ang ilang minuto, natapos din siya. Dahil tinatamad ako siya na ang kumilos. Nakakapanibago man pero lulubusin ko na. Mamaya may expiration date pagiging mabait niya no.

"Kain na." Umupo siya sa may harap ko at nagsandok na nang pagkain niya.

Inaantay kong sandukan niya rin ako. Duh, mabait naman siya diba?

"Sabi ko kain na, bat nakatunganga ka pa jan?" Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Haha

Kumunot naman ang noo niya ng mapansing hindi ako kumikibo.

"Gusto pa atang sandukan." Bulong niya na rinig na rinig ko naman.

No choice siya kaya sinandukan niya ko. Akala ko di siya makakaramdam eh.

"Thanks!" Di ko maiwasang mapangiti.

Hindi ako kinikilig! Natutuwa lang ako kay Jm okay? Wag kayong mapanghusga.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon