Letth's POV
Naiintindihan ko naman ang naging desisyon ni Jam. Mahirap naman talaga sa kanya ang layuan si Kenny lalo na't wala namang ginagawang masama yung tao. Ang hindi ko lang maintindihan, ano naman ang rason ni Penyx? Bakit kailangan niya pang hiwalayan si Jam dahil lang dun? Hindi ko naman siya pwedeng sisihin. Baka may malalim siya rason kaya niya nagawa yung mga bagay na yon. Kailangan lang nilang dalawa ng space para makapag-isip isip.
Alam ko namang hindi nila kayang mahiwalay ng matagal sa isa't isa. Malalagpasan din nila kung ano mang pagsubok ang humahamon sa kanila.
"Letth! Nakita mo ba si Dendo?" Hingal na hingal na sabi ni Kryshna.
"Hindi eh. Anong nangyari?"
"Nasa hospital si Tinay." Mahinahong banggit niya.
Anong nangyari kay Tinay? Pansin ko narin yung pamumutla niya kanina pero kasi akala ko nakalimutan niya lang mag-lipstick.
"Kyna!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Kyna kasama si elevator guy. Wow, nagdadate na ba sila?
"Oh Krysh? Bakit?"
"Asan ang kuya mo?" Inirapan ko lang si elevator guy. Duh, wag nga siyang makangiti ngiti sakin! Tss.
"Nasa gym kasama sila Kuya Jm bakit?" Umiling lang si Kryshna at tumakbo kaagad papunta sa gym.
Naramdaman kong namula ako ng marinig ko ang pangalan ni Jm. Aish! Buti nalang talaga at hindi pa kami nagkikita ngayon. Hindi ko alam kung makakayanan ko ba yung sobrang awkward.
"Hi Letth!" Masayang bati ni Kyna.
Nginitian ko lang siya at tumalikod na. Sunod sunod na wala kaming klase kaya napagpasyahan kong kumain nalang muna. Tutal nagpapahinga pa sa clinic si Jam.
Tahimik akong naglalakad ng biglang may bumato sakin ng bote ng tubig.
"Damn!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Sheira at Thea na nakangiti sakin.
W-wait?! Anong ginagawa ni Thea dito? At bakit niya kasama si Sheira?
"What?" Taas kilay na tanong ni Sheira.
Hindi ko siya pinansin at tinitigan si Thea na nakangiti lang sakin.
"Missed me?"
Napa-irap ako sa tanong niya. Paano niya nagawang umarte na mabait sa harap ko nung mga panahong nasa tagaytay pa kami?
Tinalikuran ko na sila at naglakad ulit. Ayokong sayangin ang oras ko sa kanila.
"Coward." Sigaw naman ni Sheira at sabay nagtawanan sila.
Hell yeah, isipin niyo kung anong gusto niyong isipin. Hinding hindi ko ibaba ang sarili ko. Hindi na ulit ako papatol pa sa mga low class na kagaya nila. Waste of time.
Bumili ako ng makakain ko at umupo sa paboritong pwesto namin. Nakakapanibago lang at kakain akong mag-isa ngayon. Simula ng makilala ni Kyna yung si elevator boy madalang nalang namin siya makasama. Aba, tinamaan na ata agad. Sabagay, kung ganun ba naman kagwapo lalapit sayo choosy ka pa?
"Ay butiking Jm!" Napatayo ako sa sobrang gulat.
"Mukha na ba kong butiki?" Hinampas ko siya sa braso niya ng sobrang lakas dahilan ng pagtingin sakin ng mga fans niyang gorilla!
Inirapan ko lang silang lahat at umupo ulit.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Eto na naman yung puso ko, nagwawala na naman!
Hindi tuloy ako mapakali! Akala ko naman hindi ko na talaga siya makikita sa buong araw na to. Aish!
"Ano bang ginagawa sa canteen?" Sumandal siya sa upuan at tinitigan ako.
Umiwas agad ako ng tingin dahil pakiramdam ko lalabas na yung puso ko at pupunta sa kanya. Dammit!
"Ewan ko sayo." Isusubo ko na sana yung pagkain ko ng bigla niya naman agawin. "Ano ba!"
"Thank you dito. Sakto gutom na talaga ako." Sabay pat niya sa kamay ko.
Aish! Kuryente! Kuryente!
Tumingin siya sa may likod ko at nakita ko naman sila Sheira at Thea na nakatingin samin.
"Gusto mo rin ba?" Sabay lapit niya sakin ng tinapay.
"Ayoko nga. May laway mo na yan, ayan oh!" Turo ko sa tinapay.
Sinulyapan niya naman yun at agad na kumunot ang noo.
"Niloloko mo ba ko?"
"Meron nga! Bulag ka ba?" Bakit ba panay ang tingin niya kila Sheira? Tss, wala namang kainte-interesado sa kanila.
Napapangiti nalang ako ng bahagya sa tuwing hinahanap niya talaga ng maiigi ang laway sa tinapay niya. Duh, tingin niya ba talaga magkakalaway yung tinipay niya? Tss
"Di ka naman mamamatay sa laway ko kung meron man. Oh." Tinapat niya talaga sa bibig ko ang tinapay kaya walang choice kundi ang kumagat.
But wait?! Hindi ba indirect kiss yon?! Oh gosh!
Nakatulala lang ako dun habang tinitingnan siyang kainin yung natirang tinapay. Damn! Hindi niya man lang ba naisip yung naiisip ko? Sa sobrang pula na ata ng pisngi ko tumayo agad ako at lumabas ng canteen.
Aera's POV
Hindi na ako pinayagan ng doctor na pumasok pa sa school. Halata na ang laki ng tyan ko kaya kailangan ko munang tumigil. Well, it doesn't matter dahil hindi naman maapektuhana ng grades ko. Dahil si Thea ang mag-aaral para sakin. Thanks to my personal alalay.
Kumuha ako ng isang picture at para sa tarpaulin. Of course! Kahit wala ako sa school dapat dama parin nila ang presence ko. Walang pwedeng pumalit sa pagiging ako.
"Dahil mahilig kayo sa surprise, pagbibigyan ko kayo."
*Bzzt, bzzt*
Tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Hi bitch!" Sabay beso niya sakin.
"Sobra mo naman akong namiss." Kinuha ko sa kanya ang dala dala niyang mangga. My happiness.
Umupo siya sa sofa at kinalkal lahat ng picture na nandun.
"Omg! Si Jm ba to?"
"Yes." Matipid kong sagot. Well, hindi na naman ako dapat na magulat pa.
Kilalang kilala ko na si Jm at alam kong gawain niya na yan. In the end, sakin parin naman ang bagsak niya.
"So kailan mo balak ipakalat to?"
"Soon bitch. Soon."
Inabot ko yung phone ko at pinicturan ang mga nakakalat ng picture.
"Anong gagawin mo?" Nagtatakang tanong ni Sheira.
Ngumisi lang ako at kumain ng mangga.
"Watch and learn."
Pumunta ako sa confession ng school at nag-confess.
Hindi ko mapigilan hindi tumawa ng malakas. Damn. Nagsisimula palang ako pero amoy na amoy ko na ang tagumpay.
"Oh gosh! Hahahaha! She should be thankful at hindi kita ang mukha niya."
"Tomorrow is the day." Nag-apir lang kami ni Sheira at sabay na nagtawanan.
Kailangan niya ng ihanda ang sarili niya sa mga susunod na araw. Hindi ba siya natatakot sakin? Hah, hindi niya kilala kung sino ang binabangga niya. Hindi niya alam ang pwede kong gawin sa kanya. Iisa-isahin ko sila.
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.