Aera's POV
Nakangiti ako habang pinapanuod si Letth na nagbbike. Halata namang nageenjoy siya, good for her. Ihanda niya nalang sarili niya sa mangyayari mamaya. Pasalamat siya at mabait pa ko, kung hindi? Di lang yan ang aabutin niya.
"Aera! San ka ba galing?" Kinindatan ko lang siya at dumiretso na sa unit ko.
Konting oras nalang at tapos na ang masasayang araw mo Letth. So you better enjoy your last days with him. Coz when the right time comes? I'll make sure he'll be mine again.
"Bitch ano ba! Kanina pa kita hinihintay! I'm hungry as hell!" I rolled my eyes while touching my tummy.
I'm so excited. I can't wait to see my baby. Damn. I'll make sure that i will be the most loving and caring mother on this effin earth.
Nagpalit ako ng damit bago lumabas. I saw Sheira flirting with another boy. Parang kanina lang atat na atat na siyang kumain. Wala pang limang minuto nakakita na naman siy ng bagong targer. What's new?
"Later babe. I'll eat some snacks first before i eat you." And then she winked. Hah, as if namang kaya niya.
Hanggang salita lang naman yang si Sheira. Kilala ko na siya. Ni hindi nga ata magawang magtagal yan kasama ang lalaki sa isang kwarto. Gusto niya lang naman ng pang-display. Until now, si Kenny parin ang gusto niya.
"Such a bitch." Sabay apir naming dalawa.
Natigilan kaming dalawa sa paglalakad ng makasalubong namin si Thea. So she's back? Hah, ang panget niya parin.
Kinalabit ko si Sheira na nakatingin lang kay Thea.
"Can i slap that bitch?! Gosh! Hindi pa ko tapos kay Kryshna then sasabay pa siya?! What the hell is she doin' here?!"
I smirked when i saw Thea's face. She's smiling and it's so annoying! Gusto kong burahin yung mukha niya! That bitch!
Tingin niya ba nakalimutan ko yung panlalandi niya kay Jm? As if.
"Right time. Wrong place." At hinila ko si Sheira papunta sa isang kainan.
Magtatagpo din naman kami ng landas. At sisiguraduhin kong pagsisisihan niyang bumalik pa siya dito sa pinas.
"What's your order?" Bakas sa mukha niya ang pagkainis.
Di ko naman siya masisisi. Makakita ka ba naman ng ugly duckly sa daan di ka maiinis?
"Anything." Sagot ko.
Nag-order na siya at naiwan akong mag-isa sa table.
Napatayo ako ng makita ko si Jm na buhat buhat si Letth. What the?! Bakit niya kasama si Letth?! Bat niya tinulungan?! Bullcrap!
Kinuha ko ang pouch ko at lumabas. I'll text Sheira later.
Sinundan ko sila hanggang sa makarating kami sa clinic. Nakita ko si Jm na naghahanap ng doctor. Wait? Kung hindi ako nagkakamali naka-uniform na pang-doctor si Thea kanina. Wow, mukhang sumasang-ayon lahat sa plano ko. Great.
"Wait lang sir. I'll call the doctor."
Inabangan kong lumabas ang nurse at hinila ito papalapit sakin.
"Ms?"
"Puntahan mo si Dr.Thea, mas kaya niyang ihandle yung sitwasyon ng kaibigan ko. Go!" Napatango lang ang nurse at agad na umalis.
Umalis narin ako at binalikan si Sheira. Well, goodluck sa kanila. Nag-uumpisa palang ako. Hindi na ako makapaghintay na masaksihan ang pagluha ni Letth. Alam kong may gusto siya kay Jm, and i'll make sure na hindi mapapasakanya si Jm. I will do everything para mabuo ang pamilya ko.
Ralph's POV
(Try to listen 'someday' while reading this. Thanks!)
Naiwan kami ni Kyna sa tabing dagat. Walang nagsasalita, pareho kaming nagpaparamdaman.
Hindi ko naman siya masisi. Ako tong lalaki pero ako ang umaastang babae. Dammit! Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit pero hindi ko magawa. Para bang may malaking pader sa pagitan naming dalawa.
Mahal ko si Kyna. Pero hindi ko alam kung tong nararamdaman ko ba para sa kanya ay totoo. Ilang beses ko na tong naramdaman sa mga babaeng nagugustuhan ko, at lahat ng yun nawawala sa tuwing nakakakita ako ng mas higit sa kanila.
Ayokong saktan si Kyna kaya umiiwas ako. Ilang babae na ang napaiyak ko at hindi ko kakayanin kung pati si Kyna. Gusto ko siyang ipaglaban kay Dendo pero alam kong hindi ko kaya. Hindi pa ako nagbabago at alam kong hindi pa ito ang tamang oras para samin.
Matatanggap ko naman kung magmamahal siya ng iba. Mas pabor sakin yun kung tutuusin.
"Ralph?" Napalingon ako sa kanya ng banggitin niya ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung anong meron sa loob ng puso ko at bumibilis to sa tuwing nakikita ko ang mukha ni Kyna.
"Hmm?" Bumuntong hininga siya bago ako tingnan sa mata.
"Sagutin mo nga ako. Mahal mo ba talaga ako? I mean, willing naman akong hintayin kang maging handa. Willing ako pero kasi, baka sa huli masayang lang? Baka naman kasi naaawa ka lang sakin kaya pinagtyatyagaan mo ako. Mahal kita Ralph, sure ako dun. Ikaw ba?" Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Eto ang iniiwasan ko. Ang mapag-usapan namin to. Pero wala na naman akong magagawa.
"Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sayo Kyna. Kaya sana hanggat maari, itigil nalang natin to. Pwede naman tayong maging magkaibigan eh. Diba?" Narinig ko siyang humikbi.
Bakit ako nasasaktan ng ganito? Damn! Ginusto ko to diba? Ano to?
"Haha. Bakit kasi umasa pa kong maayos to. Ngayon ko nga lang din napag-isip isip na sobrang tanga ko na pala. Pero di ko naman yun pinagsisisihan. Tanggap kong hindi ka pa handa na hindi mo kayang ipaglaban yang nararamdaman mo kasi hindi ka pa sigurado. Bata pa naman tayo, baka nga wala lang naman tong nararamdaman natin. Baka nasanay lang tayo sa presence ng isa't isa. Ganito nalang, kalimutan na natin lahat lahat. Yung feelings ko kakalimutan ko na. Mas mabuti nga sigurong maging magkaibigan nalang tayo. Iba narin epekto mo sakin eh, ha ha ha. Hindi na maganda to. Salamat sa lahat Ralph ha? Sana pag handa ka na sabihin mo sakin. Okay lang kahit hindi na ako, malay mo makahanap narin ako nun nang para sakin. Hahaha." Pinunasan niya ang basa niyang pisngi habang nakangiti sakin.
Dapat masaya ako at sa wakas titigil na siya. Dapat masaya ako kasi naiintindihan niya ako. Dapat masaya ako sa nangyayari diba? Pero bakit parang sumisikip lang yung dibdib ko? Tangina anong kabaklaan to?
"Basta friends parin tayo ha? Walang ilangan! Hahaha." Matured na nga talaga siya.
Hindi na siya yung dating Kyna na kailangan mo pang magpaliwanag ng ilang beses bago niya maintindihan. Ngayon nakakapag-isip na siya sa sarili niya. Nakakatuwa.
"Laki daw ng pinagbago ko dahil sayo. Totoo nga siguro no? Haha pati si kuya galit sakin. Kaya aayusin ko lahat ng to. Atleast tayo ayos na diba? Haha kalimutan mo nalang yung eksena kanina ha? Sige, una ko. Hahanapin ko pa si kuya eh. Ingat ka!" Then she kissed my left cheeks.
Hindi na ako nakapagsalita pa. Hindi madigest ng utak ko lahat ng sinabi niya.
Nasisiraan na ata ako ng bait. Hindi ko na maintindihan yung sarili ko. Eto naman yung gusto ko diba? Para narin hindi siya masaktan. Bakit may pakiramdam ako na mali yung ginawa ko? Dammit! Naguguluhan ako.
"I'm sorry Kyna. I'm sorry." Kahit nakatalikod siya sakin alam kong umiiyak siya.
Kitang kita ko sa balikat niya ang sobrang paghikbi. Pero wala akong magawa. Para samin naman to, para satin to Kyna.
Naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko. Akala ko umuulan, luha ko lang pala.
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.