71 - Traydor

1.2K 48 16
                                    

Letth's POV

Papasok na sana ako sa school ng madaanan ko si Jam. Bakit hindi pa siya pumapasok? Napatingin ako sa relo ako at napansing 7 o'clock na. Mukhang may balak na naman ata tong magpalate. Iba talaga pag anak ka ng may ari ng school. Kahit anong gawin mo, ayos lang.

"Paki-tabi muna sandali manong." Bumaba ako sa sasakyan at nilapitan si Jam. Nanlaki ang mata niya ng makita niya ko. Ilang araw ko rin kasing hindi pinansin ang mga text nila. Wala lang, gusto ko lang muna mag-isip. Pati din kasi ako naguguluhan na sa sarili ko.

"Beastfriend! Goodmorning." Woah, ang saya naman ata ng gising niya. Abot langit kung makangiti eh. Akala mo di na siya aabutan pa ng bukas. Teka, bakit naman ang blooming niya? Ohh, nag make-up siya? Talaga? Anong nakain niya at naisipan niya lahat ng to. Parang ibang Jam tong nasa harapan ko eh.

"Anong meron? Saya mo ata." Napa-hawak siya sa labi niya na ikinakunot ng noo ko. She's really weird! Ang creepy niya pa.Anong brand na naman ba ng katol ang nasinghot ng babaeng to? "Argh! Ikaw ba talaga si Jam?!" Nag-pout siya bigla at inirapan ako.

"Grabe ka beastfriend. Masaya lang naman ako kasi finally, okay na ulit kami!" Masiglang sagot niya. Pero biglang tumaas ang kilay ko. Okay na sila? Ni Penyx? Wow, isang malaking himala. Pagkatapos niya kong iyakan ng iyakan nung mga nakaraang araw na akala mo wala ng bukas, tas ngayon bati na sila? Anong kalokohan yon?

"Ganun lang yon? Para lang kayong naglolokohan." May pa-break break pang nalalaman tapos magbabalikan din naman pala. Kapag tapos na, wag ng balikan.

"Yan ang tunay na pag-ibig bestfriend. Kapag mahal mo, babalikan mo." Napa-iling ako sa mga pinagsasasabi niya. Saan niya naman nadampot yung mga salitang yon? "Kapag mahal ka dapat sa umpisa palang hindi ka na iniwan." Sagot ko sa kanya.

"No bestfriend! Ano ka ba naman! Mga linya yan ng bitter eh! May mga bagay kasi beastfriend na kailangan lang ng space para maayos niyo." Tinaasan ko siya ng kilay. So sa ganda kong to bitter ako?! Eh sa tama naman talaga yung sinabi ko diba? Bakit mo pa kailangang iwan ang isang tao kung mahal mo naman talaga? Kalokohan. At tsaka anong space? Kung talagang gusto niyo ng maayos, hindi niyo na dapat patagalin pa.

"You know what? Pumasok na tayo." Hinila ko siya at tinulak papasok sa loob ng sasakyan. As usual, late na naman ako. But it doesn't matter. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako nakatulog kagabi kakahihintay sa text ni Jm. Damn! Naghintay ako simula umaga hanggang madaling araw sa text niya pero kahit isa walang dumating! Ano yun, napagod na agad siya? Aish.

"Beastfriend!" Nilingon ko siya. "Uh, yung tungkol sa hospital? Bakit ka nga pala umalis ng walang paalam?"

Nag-iwas ako ng tingin. Sabi na nga ba hindi ko kaagad maiiwasan tong tanong na to eh. Hindi ko alam pero nung marinig kong magkakababy na sila Tinay at Dendo bigla akong nahirapang huminga. Para akong sinasaksak.

"Beastfriend? Bakit ka umiiyak?" Pinunasan ko yung pisngi ko at ngumiti ng pilit kay Jam. "I'm sorry. Napuwing ako eh. Ah yung sa hospital ba? May biglaang lakad kasi kami nila Mom, you know? Hehehe."

"You're lying beastfriend!" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko para hindi na magduda pa si Jam. "Kailan ba ko nagsinungaling sayo? If ayaw mong maniwala then wag." I smirked.

Hindi ko parin mabitaw-bitawan tong phone ko. Umaasa akong magtetext na siya this time. Nangangati narin tong kamay ko. Nagdadalawang isip ako kung itetext ko ba siya or hindi. Hindi naman siguro ako magmumukhang desperado kung mag-gogoodmorning ako sa kanya diba? Tapos kunwari group message. Aish!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon