49 - Bar

1.4K 48 11
                                    

Kryshna's POV

Kakarating lang namin sa bar. As expected, hindi naman ganun kadami ang tao pero ayos na. Madaming boys compare sa girls, himala. Madalas kasi sa isang bar, mas madami yung babae. Base lang naman sa observation ko.

"Juice lang ha? Walang alcohol." Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Kenny na nakatitig sakin. Aish! 

Naalala ko tuloy yung sa sala kanina. Aish! Hindi naman kami pero nagseselos ako pag nag-uusap sila ni Jam! Hmp

Hindi ko rin alam kung anong masamang hangin ang napadaan at naging ganito kami ni Kenny. Hindi ko naman ikinakaila na kahit dati pa nagkakasama na kami. Nagkakaayaan kasi kami gumala tuwing sabado. Nagsimula lang yun nung nagka-usap kami sa park.

"Eh?! Paano ako mag-eenjoy nun?" Tinitigan niya lang ako ng masama. May sinabi ba akong hindi maganda?

"Andito naman ako." Biglang nag-init ang pisngi ko kaya yumuko ako.

Aish! Napapadalas na yung pagbanat niya eh! Hindi na nakakatuwa, sobrang nakakatuwa na.

"K-kenny!" Hinawakan niya ang kamay ko pero nakayuko parin ako. Aish! Lalo kong nararamdaman yung pag-init ng mukha ko eh.

"Just enjoy your night with me. Sakin lang, okay?" Hindi ko alam pero napa-oo ako sa sinabi niya.

Masyado bang mabilis kung sasabihin kong nahuhulog na yung loob ko kay Kenny? Maiintindihan kaya ako nila Gands pag sinabi kong si Kenny na yung gusto ko? Hindi naman nila iisipin na m-malandi ako diba? Hindi naman diba?

"Nalulunod na ako. Lalim eh." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Kahit kailan talaga, hindi ba siya nauubusan ng sasabihin? Aish!

Gusto ko sanang sumama kina Letth sa dance floor kaso hindi pwede. Hmp! Ayaw ako payagan ni Kenny eh, aish! Baka daw kasi makahanap ako ng pogi dun at di ko na siya pansinin.

"Pen, please? Kahit 5 minutes lang." Sabay hila ni Jam sa t-shirt ni Penyx.

Aw, they're so cute! Hindi ko maiwasang hindi kiligin hihi! Yung kamay ni Penyx nakapatong sa balikat ni Jam. Omg! They look so perfect!

"I said no. Dito ka lang." Nag-pout naman si Jam at tinanggal ang kamay ni Penyx sa balikat niya. Woah, lq!

Napalingon ako sa kabilang table kung nasan andun sina Jm, Ralph at Dendo. Humiwalay kasi sila samin eh. Boys talk daw sila. Sabi ko nga kay Kenny sumama na sila dun eh, pero ayaw niya. Babantayan niya daw ako. 

"Ngayon ko lang nakita si Letth na nagsuot ng ganyang damit." Sabi ni Jam habang naka-pout.

Actually naka-crop top si Jam kanina, pero dahil kj si Penyx, pinasuot niya si Jam ng jacket. Hahaha! Me? Naka-sando lang ako tapos short. Hindi naman ako pinagbawalan ni Kenny ng masusuot ko.

I look at Letth at ang wild niya sa dancefloor! Nakatingin lang siya sa isang direksyon which is kay.. Jm?! Woah, i kennat! Nagtitigan lang silang dalawa dun at parang nag-uusap yung mga mata nila. Seryoso to?

"Kung nakakabuntis lang mga titig, nanganak na siguro si Letth." Bulong ni Justin na ikinatawa namin ni Jam.

Oh my god! Grabe siya! Hahaha! Kaya hindi ako nagulat nang malaman kong nakaya niya si Kate! Hahahaha! He's so unbelievable! Ang prangka niyang lalaki at kung ano yung napapansin niya, sinasabi niya talaga. Grabe!

Halos lahat na ata ng mata ng mga lalaki nakatingin kay Letth. Sino ba namang hindi? Body shape palang, ugh! Nakakababa ng self esteem -3-

"F*ck!" Napatayo kaming lahat ng biglang suntukin ni Dendo yung lalaking kasayawan ni Gands Tinay. Oh my god!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon