14 - Overthinking sucks

2.7K 75 6
                                    

Letth's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Jm kaya agad akong napatayo.

Damn it! He kissed me! Oh gosh, wala na nga yung first kiss ko pati ba naman second kiss?! Damn! Ano ng maibibigay ko kay Penyx?! Hell.

"How dare you! Bakit kailangan mong gawin yon?!" Sigaw ko kay sa kanya.

Tinapunan niya lang ako ng 'Ikaw pa may ganang mag-inarte?' look. Woah, eh kung tanggalan ko kaya ng ilong to?!

"Dare." Pa-cool niyang sagot.

Ano bang nagustuhan ni Jam dito?! Kasi kung ako ang nasa pwesto ni Jam? Hinding hinding hindi ako magkakagusto dito! Ugh! Akala ko pa man din mabait siya. Sira na nga ata mata ni Jam.

"Anong dare?!"

"Tss." Sabay lakad niya papuntang kusina.

Sira ulo pala talaga to eh. Kitang kinakausap ko pa! Sinapian ba to nung mga panahong nasa clinic kami? Sabi na nga ba eh, tama yung mga naririnig ko tungkol sa kanya.

"Burn! Asshole!"

"Makapandiri ka naman akala mo pulubi yung nanghalik sayo. Pasalamat ka nga at gwapong tulad ko." Sigaw niya galing sa kusina.

Aba ang gago ang lakas pa ng loob magyabang! Siya ang dapat magpasalamat at nakahalik siya ng ng dyosa! Darn, thanks God at wala si Jam dito.

"Gwapo?! Kamukha mo pwet ko!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Patingin nga?"

Pumunta ako sa kusina at hinanap siya. Nakaupo lang siya dun habang umiinom ng tubig. Eh batukan ko kaya to para malunok niya ng buo yung baso? Great idea diba?

"Pervert!" Sigaw ko sa kanya at agad na lumabas ng bahay. Wala naman akong mapapala kung kakausapin ko pa siya diba? Ugh!

Gusto ko muna magpahangin.

Pumunta ako sa may pool at binabad ang paa ko. Nakakastress! Sino ba kasi yung mysterious girl ni Penyx?! Nakakayamot naman. Kanina ko pa iniisip yun! Yun ba dahilan kaya di niya ko pinapansin?! Eh ano yung mga tingin niya sakin? Ano ibig sabihin nun? Ugh! Sasabog na utak ko. Nadagdagan pa ng Jm kupal na yon!

"Letth?" Kalabit sakin ni Kyna.

Tiningnan ko lang siya at tumabi sa tabi ko.

"K-kasi ano.. Uhm, kanina?"

Tinitigan ko lang siya ng masama. Wala man lang ba siyang ginawa kanina? Di niya man lang pinigilan si Jm? Eh alam naman nilang lahat na may gusto si Jam dun eh! Wala akong pake kahit dare yon! Sino namang kutong lupa ang nag-utos nun?

Ah, baka si Dendo na naman!

"Spill. Dalian mo at ang dami ko pang iniisip." Di talaga ako mapakali. Parang ang daming problema.

"N-nakita kasi kayo.." Nakita? Kami? Ano daw?!

"Pwede pakidiretso?!" Ang dami ko nang iniisip dadagdag pa. Niyaya niya nalang sana ako ng pinoy henyo.

"N-nakita kayo ni J-jam kanina." Sabay yuko niya.

W-what?!

Damn! Knowing Jam nako, baka kung ano na tumatakbo sa napakakitid niyang utak!

"Fck. Asan si Jam?" Kalmado kong sabi. Ayokong kay Kyna ko maibuhos lahat ng galit ko.

Paranoid pa man din si Jam. Baka isipin niya inaagawan ko siya or what. Damn, my head hurts.

"K-kasama ni P-penyx." Sht.

Napahinto ako sa ginagawa ko.

Bakit niya kasama si Penyx? Ah, baka naman nagkataon lang. Ha ha. Di naman ganun si Jam eh, kahit galit yun di niya parin aagawin si Penyx. O kaya naman nagkataon lang. Ha ha.

Stop overthinking Letth.

"L-Letth? Okay ka lang?" No.

Sarap sanang sabihin kaso hindi ako ganun. Hanggat kaya kong itago, itatago ko.

"Yes, im okay. Kasama niya naman pala si Penyx. Siguro naman okay lang siya diba?" At nginitian ko si Kyna. Tiningnan niya lang ako at naiilang ako. Alam ko namang hindi siya naniniwala. "Tara na sa loob? Inaantok na ko eh." Lie. Gusto ko lang talagang mapag-isa.

Pagdating kay Penyx ang bilis kong tumiklop. Nakakatuwang isipin na nababago niya yung mood at ugali ko.

"Sige. Hatid na kita sa guest room." Ayoko muna mag isip. Para akong mababaliw. Hindi na ata kaya ng puso at utak kong magfunction pa. Nanghihina ako sa lahat, sa lahat lahat. Damn this drama.

Pumasok kami sa loob at nakita kong nagliligpit ng kalat sina Jm, Dendo at Ralph. Dire-diretso lang kami ng biglang magsalita si Jm.

"I'm sorry." Yan lang ang sinabi niya at naglinis ulit. Si Ralph naman nakayuko at si Dendo nakatingin lang sakin.

Umakyat na ko at sumunod naman si Kyna.

"Hayaan mo na, kaya naman naming magpaliwanag kay Jam." Sana nga kaya niyo. Pero kilala ko si Jam. Pag tungkol kay Jm matigas pa sa bato yon.

"Ako nalang. Kaya ko naman. Salamat."

I am Letth Liu right? Hindi dapat ako nagdadrama pero ano tong ginagawa ko ngayon?

"Dito ka na. You can me call if you need me. Sa tabi lang ako niyang room mo. And don't worry about Jam, hahanapin ko siya. Magpahinga kana." Nakakapanibago man si Kyna pero naiintindihan ko siya.

Nakakatuwa lang at may sense na yung mga pinagsasasabi niya. Buti nalang di siya parrot ngayon at baka nagkaroon na siya ng instant black-eye.

"Thank you." Sabi ko at pumasok na sa loob ng kwarto. Agad ko naman yung nilock at humiga sa kama.

Overthinking sucks.

Tinawagan ko si Jam pero puro ring lang. Tinext ko narin siya pero hindi din siya nagrereply. I guess sobra siyang nasaktan sa nakita niya. Pero sana kinausap niya man lang muna ako diba? Sana inalam niya muna yung mga nangyari. Kung ginusto ko ba o hindi.

Pero naiintindihan ko siya. Kahit ako yung nasa pwesto niya baka ganun din ang mangyari. Baka di na mag-function yung utak ko at ang worst? Baka mapaliguan ko siya ng asido. Kidding. I hope makapag-usap kami bukas. Isasampal ko sa kanya ang katotohanang hindi ko ginustong magpahalik sa pervert na panget na alien na yun psh.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon