70 - Something is...

1.2K 45 11
                                    

Thea's POV

Hindi ko alam kung anong plano ni Aera at Sheira pero kung ano man yun, tutulong ako. Well, dati ko pa talaga gustong makasama sila. Who wouldn't? Sobrang sikat nila sa school at kinakatakutan pa. Gusto ko lang din naman maranasan ang katakutan at sundin ng lahat. Yung pakiramdam na lahat ng tao sobrang taas ng tingin sayo.

"Fuck. I'm starving." Sigaw bigla ni Aera. Andito kasi kami sa condo niya. May ipapagawa daw kasi siya sakin kaya hindi muna ako pumasok sa klase ko. "Ahhhh gutom na talaga ako! Makakasama samin ng baby ko to." Sino ba namang hindi magugutom kung halos limang oras ka ng nakahiga lang sa kama at walang ibang ginagawa?

Hindi ko talaga mapigilang hindi ngumiti lalo na't nakikita ko kay Aera ang pagiging ina. Araw araw niyang kinakausap yung tiyan niya. Hindi niya rin pinapabayaan yung sarili niya lalo na't lumalaki na yung tiyan niya. Kahit ako naeexcite na makita yung baby nila ni Jm. For sure, magiging kamukha ni Jm yan.

"Then eat." Singit naman ni Sheira. Kanina niya pa din hawak ang phone niya. Hindi ko naman makita kung anong ginagawa niya. Mukhang ini-stalk na naman si Kenny.

"You two should buy. Go shoo." Tinulak ni Aera si Sheira papunta sakin. Wala namang problema sakin ang mautusan. Yun naman talaga ang role ko dito. Pero hindi ko parin maiwasang mainggit. Parang ang close close nilang dalawa. Sa tuwing magkakasama kaming tatlo nagmumukha lang talaga akong buntot nila. Pero kahit na ganun, I am still proud.

Biglang tumunog ang phone ko kaya napatingin sila sakin.

"Who's that?" Tanong ni Aera.

"My manager." Bakit naman biglang napatawag tong manager ko? Nag-leave ako ng 3 months diba? Bakit niya pa ko iniistorbo? "Yes? What? Pero busy ako! Yah! I don't care, it was just I don't want to. I'm tired. I really need to rest. Bye." I rolled my eyes after talking to him. Damn, seriously?! Photoshoot again? Tsk.

"Why? Problem?" Tanong naman ni Sheira. Simula ng napapadalas yung pagsasama naming dalawa nagiging close narin kami ng kaunti. Well, let's just accept the fact na pag kasama na namin si Aera nakakalimutan niya na ako.

"Photoshoot again."

"Bat di ka pumunta?" Lumaki bigla ang mata ko ng marinig ko yun mismo kay Aera. What happened to her? Dati kapag magpapaalam ako sa kanya na may photoshoot ako nagagalit siya. But now? Really? Unbelievable! "Wag mo nga kong tingnan ng ganyan. Nakakaawa ka din naman kasi. Sayang din yun kaya sige na. Kaya na naming ni Sheira to bitch."

"Yeah right. Go on bitch, magbago pa isip niyan ikaw din." Nagtawanan lang kaming tatlo. Ang sarap lang sa pakiramdam na tumatawa kami ng sabay sabay. Hindi ko man lang lubos naisip na mangyayari to. I mean, alam ko namang sobrang galit sakin si Aera at Sheira dahil kay Jm at Kenny. But look at us now, di magtatagal magiging close na din talaga kami. Tiwala lang.

"Bye. See you tomorrow." Paalam ko sa kanila. Ngumiti lang si Aera at kumaway naman si Sheira.

Lumabas ako sa condo ni Aera at dire-diretsong naglakad. Pero napahinto din agad ako ng makasalubong ko si Kryshna. Hinubad ko yung shades ko at tinitigan siya. Napahinto naman siya sa paglalakad.

"Thea? What are you doing here?"

"Diba dapat ikaw ang tinatanong ko? Anong ginagawa mo dito?" Kaibigan niya si Letth right? Wala namang kahit isa sa mga kaibigan niya ang nakatira dito. Unless..

"Uh, m-may dadalawin lang." Seems like she's uncomfortable.

"Who?"

"Wait, bakit ba ang chismosa mo?" I arched my eyebrow at her. Tinatarayan niya ba ko? Woah, I like it tho. Lalo na't girlfriend siya ng ex-boyfriend ko na dapat boyfriend ni Sheira.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon