51 - Reasons

1.3K 51 14
                                    

Jm's POV

Dammit. She slapped me! That flat chested girl. Tss, she's so annoying! Kung hindi ko lang siya kailangan hinding hindi ako mag-aaksaya ng oras para kausapin siya.

"Alam mo na?" Tinabihan niya ko at sinindihan ang yosi niya.

Tagal niya na ding di nagyoyosi. Anong meron sa kanya ngayon at bumabalik siya sa dati? Akala ko ba goodboy to? Tss.

"Kailan ba ko nahuli sa balita?" 

Sinamaan niya ako ng tingin habang patuloy parin sa paghithit ng yosi.

"Kailan ka nga ba nahuli sa balita, lalo na kung tungkol sa kanya." Napangiwi ako sa sinabi niya.

Ilang taon na ba ang nakalipas? Matagal na. Pero hanggang ngayon sariwa parin. Sinong gago ang makakalimot sa ganung bagay?

"Tss." Tinamaan na ata tong isang to kay Christina. Di na maalis yung mata eh, talo pa nanunuod ng tv sa sobrang tutok.

"Anong plano mo ngayong anjan na si Thea?" 

Pangalan niya palang parang gusto ko nang manapak. Ilang taon na ang lumipas pero hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya. 

"Abangan mo nalang." 

"Tss. Alam mo na yung totoo diba? Bakit hindi mo pa kinakausap si Kenny?" Isa pa yung ugok na yun. Hindi ko pa nakakalimutan yung pagbugbog niya sakin. Kung hindi ko lang siya kaibigan baka nasa hukay na siya.

"It's not my job. Ako dehado dito, ako pa ba gagawa ng paraan?" 

Napapikit ako sa sobrang inis. Naalala ko na naman yung nakaraan.


FLASHBACK


Nasa elevator na ako ng condo nila Thea ng makaramdam ako ng kaba. Pero hindi ko yun pinansin. Nakangiti parin akong pumunta sa unit niya para sana sorpresahin siya.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng may marinig akong nag-uusap sa loob.

"Hahahaha! Oh my god! So kayo na?" Hindi ko kilala ang boses na yun pero pinagpatuloy ko parin ang pakikinig.

Hindi sa chismoso, tss. Pero may kutob akong hindi ko dapat to palagpasin.

"Yes! Kami na. I don't know na ganun pala siya kabilis makuha." Then i heard them laugh.

Alam kong boses ni Thea yung nagsalita.

"So tuloy ang plano?" Anong plano?

"Yes! Tuloy ang pagpapaselos kay Kenny. I'll make sure na magsisisi siya sa pagpalit sakin sa Sheira na yun." Sigaw ni Thea. 

Sheira? Yung kaibigan ni Kenny? Shit. Naguguluhan ako.

"Alam mong pag nangyari yun, masasaktan si Jm." Tumawa lang si Thea.

Hindi ko maiwasang masaktan. Dammit! What the hell is happening?!

"Alam mo ding ginagamit ko lang siya."  

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumasok na ng tuluyan sa unit niya. 

"Anong sabi mo?" 

"B-babe! I mis--" Hinagis ko sa mukha niya ang dala kong bulaklak.

Balak ko  sanang sorpresahin siya pero bakit ako ang nasorpresa? Tsk

'"Shut the hell up Thea. I heard everything. And you!" Turo ko sa babaeng kausap niya kania. "Get out!" I shouted.

Mabilis pa sa alas kwatro at nakalabas na siya sa unit.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon