47 - Piggy back ride

1.3K 46 13
                                    

Letth's POV

Kanina ko pa hinanap si Dendo sa loob ng bahay pero wala siya. Damn, mababaliw na ako kakaisip kung nasaan siya. Nasabi sakin ni Ralph na nakauwe na sila ni Tinay but what the hell?! Asan siya? I really need to talk to him. Tama si Jam eh, dapat maayos namin to. 

Mag-gagabi na pero wala parin siya. Kahit anino niya hindi ko man lang nakita.

"Hey. Mamamalengke lang kami ni Penyx, gusto mo sumama?" Sinamaan ko ng tingin si Jam. Seriously?! 

"Umalis na nga kayo!" She smile at me at nagwave na habang tumatakbo. Nakita ko si Penyx sa di kalayuan na nakatingin sa akin kaya umiwas na agad ako. Mamaya isipin niyang di pa ako okay no, duh. 

"See you later bestfriend!" I just rolled my eyes.

Sana sumaya siya kay Penyx. Tatanggalan ko talaga ng kinabukasan si Penyx kapag sinaktan niya si Jam. Tama na yung mga panahong iniyak ni Jam sa kanya. This time, dapat siguraduhin niyang pasasayahin niya lang palagi si Jam, or else ililibing ko siya ng buhay.

Nakuha ni Kryshna at Kenny ang atensyon ko ng dumaan sila sa harap ko na magkahawak kamay. What the hell is happening?! Second day palang namin dito tapos may ganung effect na? Sa pagkakaalam ko nasa bahay kami pero hindi to bahay ni kuya. Geez, nakakabaliw.

"Layuan mo nga ako! Hindi ako magsosorry okay?! Kahit pa mabaog ka! Tse!" Napalingon ako kay Kate na sumisigaw sa di kalayuan.

Medyo madilim na sa parteng yun kaya hindi ko maaninag kung sino ang kausap niya. 

"Gagawin mo o ako mismo ang magpapaalis sayo sa school?" Kitang-kita ko sa kinauupuan ko ang nanlilisik na mata ni Kate.

I can't imagine na may katapat na si Kate. Akala ko wala ng magtatangkang kausapin ng ganyan si Kate. Halos lahat na kasi ng tao sa school except me of course, is medyo ilag sa kanya. Sino ba naman ang gugustuhin masigawan at matarayan? Idagdag mo pa na mapahiya diba?

"What?! Sira ulo ka ba?! You can't do that!"

"I can. So?"

"Argh!! Fine, fine. Im sorry! Tss."

"I want a sincere sorry." 

"Fck! Wag ka ng maarte!"

"One."

"Sht." Sabay buntong hininga ni Kate. "Sorry." Walang ka-emosyon emosyon niyang sabi. Halatang nagpipigil lang siya ng inis. Hindi ko mapigilan hindi mapangiti, totoo ba to? Tumitiklop si Kate?

"With a smile." Para akong timang na nakangiti dito. Who wouldn't? Talo pa nila ang couple na may lq. Perfect talaga pag yung boyfriend mo mapang-asar plus yung girlfriend mo pikunin diba? In short, perfect silang dalawa.

Tinitigan ko yung boy at napansin kong si Justin lang pala. Yung bully sa building nila Kate. He's handsome but too bad, ayoko sa bully. Gusto ko ako ang bully.

"Damn! Ayoko na!"

"Kate Bernabe? Sumuko kay Justin Chang?" Bulong ko sa sarili ko.

Dahil ayoko naman makakita ng wrestling, umalis na ako dun. Naisipan kong maglakad lakad muna tutal wala pa naman sila Jam. Wala din akong makakausap sa loob ng bahay.

"Hey." Sabay akbay sakin ni Ralph.  I arched my eyebrow at tinanggal ang kamay niya sa balikat ko. Baka makita pa kami ni Kyna at umandar na naman ang makitid niyang utak. Tss

"What?" Iritado kong tanong sa kanya.

"Sungit." Sinabayan niya ko sa paglalakad kaya hinayaan ko nalang. Mas okay narin to at kahit papaano may makakausap ako.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon