74 - Truth or Dare

1.2K 47 14
                                    

Letth's POV

Hindi ako nakatulog kakaisip kay Thea at Jm. Malaki ang posibilidad na mahal parin nila ang isa't isa. Pero hindi ko alam kung bakit pilit kong sinasabi sa sarili ko na wala na sila, na tapos na sila at ako na ang mahal ni Jm. Ganun na ba talaga ako kadesperada kay Jm? Oh holy shit.

"Letth! We're here."

Bumaba agad ako ng marinig ko ang boses nila Jam. Napag-usapan kasi namin na mag-oovernight sila dito sa bahay dahil wala naman sila Mom. Lumipad ulit sila pa-europe para sa isang business. Hindi ko narin sila pinigilan pa. Sanay naman akong mag-isa.

Nalungkot ako bigla ng makita si Dendo at Tinay na masayang nag-uusap. Hindi ko maiwasang hindi tingnan ang tyan ni Tinay. Kung hindi ko kaya pinalaglag yung baby ko ganyan na din kaya kami kasaya ngayon ni Jm?

"L-letth, what's wrong?" Tanong ni Kyna na kumakain ng chips. Pinunasan ko agad ang luha ko at ngumiti.

"Nothing. Namiss ko lang na ganito tayo."

Napalingon ako kay Jm na nakatingin sakin. Agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Bakit niya ba ginagawa sakin to? Parang noong mga nakaraang araw lang masaya kami ah? Bakit bigla nalang nagbago ihip ng hangin?

"Namiss ka rin namin Letth!" Sigaw ni Tinay.

Napansin ko lang na wala si Kryshna ngayon. Hindi ako sanay na dalawa lang sila. Hindi naman siguro sila nag-away away diba? Nakita ko naman sa labas si Kenny na may kausap sa cellphone. Hindi kaya si Krshna na yun?

"Get well soon babe. I love you."

"Anong nangyari kay Kryshna?" Ilang araw ko na din kasi siyang di nakakasama.Pakiramdam ko ang daming nagbago.

"May lagnat daw kaya di makakapunta. Babawi nalang daw siya next time."

Napansin ko ulit na may bulaklak na naman sa labas. Kailan ba sasabihin ni Jm na sa kanya galing lahat ng to? Tss. Ang tagal niya naman maging handa.

Pagpasok na pagpasok ko sa loob agad nila akong inasar.

"Ikaw ha, kanino galing yan?"

"Sa boyfriend mo ba?"

"May bago ka na pala Letth."

"Pakilala mo naman samin yan."

Hindi ko lang sila pinansin at nilagay sa kwarto ko yung bulaklak. Magpapatayo na siguro ako ng flower shop kapag patuloy pa siya sa pagpapadala ng mga bulaklak.

"Boring. What if maglaro tayo ng truth or dare?" Suggestion ni Kate na nakasandal pa kay Justin. Oh gosh, feeling ko mapupuno ng langgam tong bahay namin. Sobrang dami ng lovers!

Umagree kaming lahat sa naisip ni Kate. Tutal medyo maaga pa naman para magluto.

"Game~" Inikot agad ni Jam ang bote na tumapat naman kay Penyx. Napa-irap ako kasi for sure dadami na naman lalo ang langgam.

Hindi ko talaga maintindihan. Kung sino pa yung maganda, siya pa yung walang lovelife. Ang unfair diba? Psh.

"Yieeeeeeee!" Pang-aasar pa ni Kyna na tuwang tuwa habang sinusubuan siya ni Chander. Argh! Sasakit ulo ko sa mga taong to! Hindi ba sila nahihiya sa ganda ko? Hindi ko din naman makausap si Jm dahil mukhang wala siya sa mood.

"Ralph okay ka lang?" Napunta lahat ng atensyon namin kay Ralph. Fuck, sobrang yupi na nung coke float na iniinum niya at basang basa na siya ng coke. What the hell?!

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon