109 - Message

1.4K 29 6
                                    

Letth's POV

Paalis na sana si Jam ng sabay sabay kaming tatlo na naka-recieve ng text message. Nagkatinginan pa kami ni Jam bago buksan ang mensahe.

Dendo
House. 7pm sharp.

Nakataas ang kilay ko habang binabasa ng paulit ulit ang text niya. Anong meron? Tiningnan ko si Jam na nakangiti lang habang si Jm ay mabilis na binalik sa bulsa ang phone at tinabihan ako. So ako lang ba ang hindi nakagets? Okay.

"May two hours pa ako. I'll drop here by 6pm, sabay na tayo mag-ayos. I think i really need to go. See you later beastfriend!" Tinanguan ko lang siya bago sumandal sa sofa. Pinatong ko ang paa ko sa mini table at pinikit ang mata ko.

What a tiring day. Gusto ko lang sana mag-shopping at matulog magdamag dahil ever since na nakauwi ako wala pa akong pahinga! But look, sinira lang naman ni Dendo ang plano ko. Ano kayang meron?

"Have you forgotten that I am still here, babe?" Mabilis kong dinilat ang mata ko habang hinahayaang mahulog sa mukha ko ang ilang piraso ng buhok ko.

Hindi ko nakalimutan okay? Damang dama ko kaya ang presence niya! Hindi naman ako matutulog eh, hindi talaga!

"O-of course not! Hi babe, hindi ka pa ba aalis?" Out of nowhere na tanong ko. Napahawak naman ako sa bibig ko. Aish! Bakit ganito ang lumalabas sa bibig ko?!

Nagtaas siya ng kilay habang nakatitig sakin. Bakit ako kinakabahan? Diba boyfriend ko siya? Aish! I feel so uneasy. Hindi ako pa ako sanay.

"I mean, wala ka bang gagawin?"

"Meron." Maiksing tugon niya. Tumango naman ako. "Are you not curious if what is it? Seems like my girlfriend is out of her mind today." Umiling iling siya nang hindi ako tinitingnan.

"I'm sorry." Ani ko habang nakayuko.

Hindi kasi talaga maalis sa isipan ko si Ezekiel. Hindi ko alam pero binabagabag ako sa naging desisyon ko, not because i like him or what okay?! Mahal ko si Jm, walang duda.

But seeing Ezekiel in pain really broke my heart. Hindi niya dapat nararanasan to. Hindi ko na nga masuklian yung pagmamahal na binibigay niya, sinaktan ko pa siya. This is driving me crazy!

"What happened to the two of you? Did he yelled on you? Sinaktan ka ba? Anong ginawa niya para maging ganyan ka?" Sunod sunod na tanong niya.

Inayos ko ang upo ko at tinali ang buhok ko. Tiningnan ko lang siya habang nakapangalumbaba. Gosh! Even in this view he look so handsome af. I'm drooling.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon