10 - Bad timing

3.3K 83 6
                                    

Letth's POV

"Beastfriend gising na!" 

Kahit hindi na ako dumilat alam ko na kung sino yun. Malamang siya lang naman tumatawag saking beastfriend. 

Hindi ko parin siya pinansin at nagkunwaring tulog parin.

"Beastfriend gising na! Nanalo team nila Jm sa basketball! And guess what?! May pool party! At kasama tayo!" 

Napadilat ako sa sinabi niya. Paanong nakasama kami? Eh wala naman kaming close dun.

"Pano tayo nakasama?" Sabay taas ko ng kilay sa kanya.

Mamaya nanggogoodtime lang pala to.

"Your one and only Kyna." At ngumiti siya ng abot tenga. 

Malamang makikita niya dun si Jm kaya ganyan siya kasaya. Wow naman kay Kyna at naalala pa kami. Wala ba talaga siyang ibang friends? Tss. Kahit alam niyang ayoko sa kanya still, naalala niya parin kami.

"Kung andun si Jm, edi andun din siya?" Bakit parang nakaramdam ako bigla ng saya? 

"Exactly! Kaya halika na umuwi na tayo at magbihis kana! Dali na~"

Pag si Jm talaga yung usapan nakakairita si Jam. Malala na tong babaeng to. Hindi naman ako nagwagwapuhan sa Jm na yon, honestly lahat sila. Si Penyx lang naman talaga ang tunay na gwapo.

"Eto na! Kingina taglandi kana naman." Sabay tayo ko. Inayos ko muna yung sarili ko bago ako lumabas sa clinic.

Habang naglalakad kami ni Jam, hindi ko maiwasang hindi maasar. Pucha, kahit san ako magpunta nakakarinig ako ng mga bulong about sakin. Like 'Bitch' 'Mang-aagaw' at 'Malandi'. Buti nalang talaga at pinapakalma ako ni Jam.

Sa tuwing naririnig ko yung mga salitang yun lalo lang akong nababadtrip kay Dendo. Kamukha niya yung paltos sa paa ko! Leche.

Sumakay agad ako sa sasakyan ko at nagmaneho. Tinext ko si Jam at sinabing sunduin nalang ako sa bahay dahil tinatamad akong magdrive. Ilang minuto palang ang nakalipas at nakarating na ako sa bahay. 

As usual, wala na naman si mom and dad.

Umakyat ako sa kwarto at naligo. Pampalamig man lang ng ulo. Pagkatapos ay nag ayos ako. Simpleng short short lang ang sinuot ko at tshirt. Pool party diba? Alangang mag dress pa ko. Hindi naman ako mahilig sa mga pool outfit.

Nagring ang phone ko at agad ko naman itong sinagot.

"Oh?"

"San ka na Letth?" Oh, i think si Kyna to.

"Bahay." Sabi ko habang nakaharap sa salamin.

"Di ka pupunta?" Sa tono ng boses nya halatang nadismaya siya.

"Pupunta." Sagot ko. Naglagay na ko ng light make up at nag suklay.

Ugh! Ang daldal niya!

"Ge. Bye na aalis na ko." Yun nalang sinabi ko sa kanya at agad na pinatay ang phone. Naiirita talaga ako dun.

Wala pang isang araw pero andami nang nagbago sa buhay ko. Bagong kaibigan, bagong kaaway ugh andami. Pero sabagay, mukhang pinaglalapit kami nila kami ni Penyx. Look, kaibigan niya yung kuya ng bago kong kaibigan. Well, small world.

Bumaba ako sa sala para sana antayin si Jam. Saktong pagbaba ko sa sala ay siyang pagdating din ni Jam. Inirapan ko lang siya at lumabas na. Ang sarap kasi mang-irap eh, bakit ba? 

Bumibilis na naman tibok nang puso ko, naalala ko kasing makikita ko na naman si Penyx.

"Sexy! Di mo ko ininform beastfriend di sana nagshort rin ako!" Pagwawala niya habang papasok sa sasakyan niya.

"Wag kang gaya gaya." Sabay irap ko ulit sa kanya at pumasok sa loob ng kotse niya. Woah, nakakamiss pala sumakay sa kotse ni Jam. 

"Porket andun si P---" Pangalan niya palang bumibilis na tibok ng puso ko. Paano pa kaya pag kaharap o kausap ko na siya?

"Subukan mo lang banggitin mapuputulan ka ng dila ng wala sa oras." Pagbabanta ko sa kanya.

"Ahe, di na po." Nag-peace sign lang siya at nagsimula ng magmaneho.

Habang nasa kotse hindi ko maiwasang mapangiti. Makikita ko na naman siya mamaya. Hindi ko alam pero umaasa parin akong mapapansin niya na ko. Tanga na kung tanga pero mahal ko siya. Lakas maka-teleserye. 

Pero ganun naman talaga sa love diba? Kahit ano gagawin mo mapansin ka lang niya. Wala naman akong balak sumuko, kahit pa sobrang sakit na.

"Tama na muni muni. Andito na tayo." Di ko man lang namalayan. Ang lapit lang naman pala psh.

Paglabas ko bigla akong namangha sa ganda ng bahay. Mas malaki pa to sa bahay namin ah?

"Beastfriend hindi jan, dito sa kabila yung kina Dendo." Epic. I thought eto yung bahay nila.

Tiningnan ko yung sinasabi niyang bahay. Ayos lang naman malaki rin. Pero mas bet ko yung nauna.

"Kaninong bahay to?" Turo ko dun sa malamansyon.

"Hihi. Kina Jm myloves ko! Hihi soon to be ours." Kilig na kilig na sabi niya. Assuming overload. Tss. Inirapan ko nalang siya at pumasok na sa bahay nila Kyna.

Pagpasok na pagpasok ko palang kita ko na agad ang sobrang dami ng tao. Dahil likas na maganda kami ni Jam, napatingin sila samin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at mukhang bumalik naman na sila sa realidad. Sa di kalayuan nakita ko sila Aera at ang grupo niya na nagbubulungan. Hanggang dito ba naman?

 Nakita ko si Kyna sa may pool at akmang lalapitan ko na sana siya ng may mahagip ang mata ko.

"Beastfriend?"

Si Penyx

May kasama siyang babae. Nakaakbay siya don at mukhang masayang masaya pa sila. Hindi ko maalis ang mata ko sa kanila kahit anong gawin ko. Tangina kakarating ko lang tas eto pa maabutan ko?! Bad timing. Sa loob ng tatlong taon hindi parin pala ako immune sa ganitong bagay.

Ang sakit lang. Ilang beses ko na bang nakita to? Ilang beses na ba akong nasasaktan ng ganito? Kung tutuusin maraming beses na. Pero wala naman akong balak tumigil.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon