56 - Oreo

1.2K 45 9
                                    

Letth's POV

Naka-impake na kaming lahat ng bigla kaming makarinig ng malakas na kalabog na nanggagaling sa itaas. Agad na tumayo si Justin at patakbong umakyat. Gustuhin ko mang sumunod pero wala akong magawa, masakit parin ang kamay ko.

"Oh my god Kate!" Rinig kong sigaw ni Kryshna.

What the hell is happening?! Anong nangyari kay Kate? Tatayo na sana ako ng biglang hilahin ni Jm ang damit ko kaya napa-upo ulit ako.

"What?!" Iritadong sagot ko sa kanya.

Sinamaan niya ako ng tingin at sinenyasan na wag tatayo. Ugh! Ang gulo niya talaga! Kahapon pa sumasakit ang ulo ko kakaisip sa mga pinaggagagawa niya. Talo niya pa ang panahon sa pabago-bagong ugali!

Minsan napaka-concern niya sakin, minsan naman napakasungit! Hindi ko alam kung bakit siya nagsusungit, masama na bang kumausap ng lalaki?! Aish, ayoko namang isipin na nagseselos siya no! Ayoko maging assuming pero minsan hindi ko talaga maiwasan lalo na kung ganun ang kilos niya.

"Sisilipin ko lang, duh it's Kate!" Kahit ang taray nung babaeng yun still i treat her as my friend. Hindi naman ako ganun katigas although masungit ako.

"I know. Wag kang chismosa." I rolled my eyes at him. Damn this boy! Paano ko ba to maiiwasan? Paano ko ba mapipilit ang sarili kong wag mainlove sa taong to kung ganito siya umasta?

"Oh please Jm, kahapon ka pa. You're weird! Para kang boyfriend ko!" Then i clenched my fist ng maramdaman kong kumirot yung braso ko.

"I don't fcking care. Just shut up." See? Bipolar!

Tapos kapag hindi ko pinansin susuyuin ako. Damn, may sapak ata to eh.

"Tanga ka talaga eh no?" Napalingon ako kay Justin na buhat buhat si Kate. I look at Kate at hindi siya mukhang masungit tingnan. What's wrong? I mean, bakit nag-iba agad yung aura niya? Mukha siyang mabait na bata na nakikinig sa magulang habang pinapagalitan.

Seriously?! Anong nangyayari sa paligid ko? Bakit ang daming nagbago? Naging okay nga kami ni Dendo pero hindi na kami ganun ka-close. Nararamdaman ko ring umiiwas na siya at palagi niya ng kasama si Tinay. Sobrang sweet nga nila eh, hindi naman ako nagseselos. Wala din naman akong pinagsisisihan sa ginawa ko, atleast now napansin niya narin si Tinay.

Then si Kryshna at Kenny. Nung nakaraang araw nahuli ko silang magkasama at masayang nag-uusap. Magkaholding hands pa sila. Sweet din sila, mas sweet pa sa asukal. Hindi naman nila dineny na sila na, but nakakagulat parin kasi ang bilis. Pero nahuli ko rin si Kenny na sobrang gulat ng makita si Dr. Thea, i don't know pero may naramdaman akong kakaiba.

Si Ralph at Kyna naman bumalik na sa dati. Walang sweet na nagaganap, normal friends lang. Wala narin kaming nakikitang pain pa kay Kyna. Nagiging madaldal na ulit siya pero lahat yun may sense. Okay narin sila ng kuya niya pero may times na hindi parin sila nag-iimikan. Base on my observation, naging matured na si Kyna. Hindi na siya nakakairita, lahat na ng sinasabi niya may sense.

Jam and Penyx? Ayon, akala mo mag-asawa na. Kagabi magkatabi silang natulog! Shocking diba?! Ni hindi nga man lang nagkukwento sakin si Jam eh, paano ba naman kasi nauubos na ang oras kay Penyx. But it's okay, lagi ko naman siyang nakikitang nakangiti. Good for her. May sariling mundo din kasi sila ni Penyx, yung tipong sila lang ang nagkakaintindihan.

Then last, etong dalawang nasa harap ko. Nakakapanibago lang si Kate kasi dapat ngayon palang inaaway na niya si Justin pero look? Para siyang naputulan ng dila ata nakatingin lang kay Justin na hanggang ngayon sinisermonan siya. Mababali na ako sa nangyayari! Ang daming nagbago since nagbakasyon kami dito. Sila hindi stress, pero ako? Sobrang stress na! 

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon