39 - Chips and Coke

1.4K 45 5
                                    

Letth's POV

Ang init init init init init! Gusto kong mag-swimming sana, tutal may 1 week naman kaming vacant. Nasabi ko na bang tamad mga teachers namin? Oh ayan, nasabi ko na. Kaya lang baka di nila gusto.

"Letth." Ay maputing kabayong kuting!

Bakit ba sa tuwing tinatawag ako ng panget na to bumibilis tibok ng puso ko? Ah oo, kasi ang panget ng boses niya. Kasing panget niya.

"Ano na naman?!" Kanina pa siya tawag ng tawag sakin tapos kapag sumagot ako biglang mananahimik. Dalhin ko na kaya to sa mental? -_-

Dahil wala akong magawa, naisipan kong mag-facebook. Matagal tagal na din akong hindi nakakapag-online dito. Busy sa twitter.

Bumungad sakin ang napakadaming notification. Ano na naman to?! Last time na nagkaganito notification ko is dahil kay Dendo.

Chineck ko muna ang friend request ko.

"Walang kaintere-interesado." Hindi kasi ako nag-aacept pag hindi ko naman kilala. Tama ng hanggang followers nalang sila.

Next thing ay ang messages ko. Lagi ko talagang huli kong buksan ang notif. Para naman may thrill diba? Nadismaya ako ng makita kong puro gc lang pala -_- Binuksan ko na yung notification ko at napansin kong puro lika lang pala. Ge, ganda ko talaga.

Maglolog-out na sana ako ng mag-pop yung message ni Jm. Ano na namang trip neto?!

Jm Sarosa

Letth

Letth Liu

Ano?!

/Seen 3:12 pm

Aba gago din talaga to no?! Magchachat tapos mang-seseen?! Wow ha.

"Wala ka ba talagang magawa JM?!" Sigaw ko ng pagkalakas lakas. Alam ko namang naririnig niya ko no. Hindi naman siya bingi.

Ngayon lang ako naseenzoned no! Hindi ako nasasaktan, naiinis ako! Kasi bakit si Jm pa?! Psh. Kaya nga di ako sumasali sa usapan sa GC eh! ANG DAMING SEENLORDS! Nakakainis lang. Pwede namang i-close nalang kung hindi sila magrereply diba? Para hindi maseen. Leche!

Ni-log out ko na yung fb ko at bumaba. Nararamdaman ko kasing gutom na ang maganda kong tiyan.

"Bwiset ka talaga!" Paano ba naman kasi! Nakangiti pa siyang pang-asar dun! Wala talagang araw na hindi niya ko inasar! Akala ko pa man din mabait na. Psh

Lalo pa kong nabadtrip ng mapansing walang laman ang fridge!

"JM!!!!" Nagtatantrums ako dito mag-isa sa kusina. Nasaan na yung mga binili kong pagkain?! Bakit nawala?!

"Ano?" Pa-cool niya pang sabi habang hawak hawak ang coke in can ko at ang mga chips ko! Walangya talaga to!

"Bakit mo kinain yan?! May pera ka naman bakit hindi ka nalang bumili?!" Matawa-tawa siya habang tinitingnan akong naka-upo sa sahig. Eh bakit ba?! Gutom na ko at wala akong makain!

"Mainit eh. Ayokong lumabas. Diba sabi ni tita kung anong meron dito sa bahay pwede kong kainin? Kanina pa nga din kita tinatawag kaso ayaw mong lumabas." Binato ko siya ng tsinelas ko at ang swerte niya kasi nakailag siya.

"Eh bakit di mo kinain yung plato?! Yung mesa? Yung tv?! Bakit yung pagkain ko pa?! Tinatawag mo nga di mo naman sinasabi kung bakit! Leche leche!" Binato ko ulit siya ng isa ko pang tsinelas. This time hindi na siya naka-ilag kaya natamaan siya sa noo.

BUTI NGA SAYO! Sarap sana isigaw kayo napansin kong nasaktan siya. Nabitawan niya yung mga hawak niya at napapikit.

"H-hala. S-sorry!" Lumapit agad ako sa kanya at tiningnan ang namumula niyang noo. Nasabi ko bang bakya yung suot kong sandal? Huhu

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon