68 - Text messages

1.3K 44 11
                                    

Letth's POV

Today ang uwi nila dad kaya ako mismo ang susundo sa kanila. Well, hindi lang ako kundi pati si Jm. Kinuha niya rin kasi sa bahay ang mga natira niyang gamit para ilipat sa condo niya.

Tahimik akong pumasok sa loob ng kotse. Isinuot ko ang earphone ko at pinalakasan ang volume. Saktong pasok niya naman kaya agad akong pumikit. I don't freakin' know what is happening to me. Sobrang bilis na kasi ng kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko siya.

Napadilat ako bigla ng hatakin niya ang earphone ko.

"What?" Tanong ko sa kanya.

Inirapan niya lang ako at nag-seat belt.

"May problema ba tayo?" Tinitigan niya ko sa salamin kaya nag-iwas ako ng tingin.

Ano bang problema ng lalaking to at kung ano ano ng lumalabas sa bibig niya? Nagsimula to noong pageant na kung umaasta parang boyfriend ko. Hindi ako natutuwa dahil sobrang kinikilig ako! Lagi niya kong tinitext ng 'Goodmorning' 'Where are you?' 'Don't forget to eat.' 'I am going to sleep. You should sleep too. Goodnight.' Wala naman akong maalalang nanligaw siya at sinagot ko siya maliban nalang sa mga panaginip ko.

"W-wala. A-ano bang sinasabi mo jan? Magmaneho ka na nga lang." Nag-smirk siya at pinitik bigla ang noo ko.

"Masyado kang halatang umiiwas. Tungkol ba to sa mga text ko?"

Sabi ko nga halata ako. Pero kasalanan ko ba kung sobrang awkward talaga sa pakiramdam? I mean, hindi ko alam kung anong ireresponse ko. Kung magiging sweet din ba ako kagaya ng ginagawa niya o tatarayan ko siya. Argh!

"Eh bakit ka ba kasi ganyan?"

Nag-iwas siya ng tingin at pumikit. Hinintay ko siyang sumagot. Umaasa akong sasabihin niyang 'Kasi concern ako sayo.' o di kaya 'Kasi mahal na kita.' pero knowing Jm, mas malabo pa sa malabo. Kaya hindi na ko aasa pa. Malay natin, trip niya lang pala talaga ako.

"Kasi gusto ko."

He started the engine kaya naman napa-ayos ako ng upo. I just can't help on smiling. Kahit ngawit na ngawit na yung pisngi ko, still nakangiti parin ako.

"Can you stop smiling?"

"Bakit ba? Eh gusto ko eh."

For the nth time, inirapan niya na naman ako. Nginitian ko lang siya at di na nagsalita.

Nakarating naman agad kami sa airport. Inalalayan niya ko sa pagbaba kaya naman napangiti ako. Pero bigla siyang lumingon kaya agad akong nag-poker face.

"Tss."

Nakita ko sa di kalayuan sila Dad at Mom na nakangiti. Hindi ko napigilan ang sarili ko at tumakbo papunta sa kanila. Kanina pa ba sila naghihintay? Akala ko pa naman napaaga kami, yun pala late na.

"Mom! Dad! I miss you!"

Actually ginawa ko yun para makalayo layo muna kay Jm. Mauubusan na ko ng hangin kapag katabi ko yung lalaking yon.

"What's with you? Hahaha. We missed you too princess." Napansin ko yung lalaking nasa likod nila Mom and Dad.

"Who is he?"

Wala naman akong maalalang may kapatid ako or what? Kilala ko naman ang mga pinsan ko. Imposible ding anak to sa labas. Pero in all fairness, mas gwapo pa siya kesa kay Jm.

"Oh, i forget. Meet Allen Keean. Jm's cousin."

Nginitian ko lang siya pero dinedma niya lang ako! Gosh! So tingin niya talaga gwapo siya? Sino siya para hindi ako pansinin? Aish! Parehong pareho sila ni Jm.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon