95 - Who's the suspect?

1.1K 37 11
                                    

Jm's POV

Hinihintay ko si Aera dito sa may parking lot. Anong oras na pero di parin siya nakakabalik. Ang sabi niya may naiwan lang siya sa room. Tsk.

Naagaw ng isang lalaking nakasandal din sa kotse niya ang atensyon ko. Sa pagkakatanda ko siya yung boyfriend ni Letth. Tss. Hindi naman gwapo.

Napatingin siya sakin at biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa ako pinaglalamayan.

"Hubby!" Naka-ngiti siya habang winawagayway ang hawak hawak niyang panyo.

"Panyo lang ang naiwan mo?" Inis na tanong ko.

"Yes, why?"

"Naghintay ako ng mahigit kalahating oras para lang sa panyo? Tss. Unbelievable." Bigla niya naman akong hinawakan sa pisngi. Tinanggal ko kaagad ang kamay niya at pumasok sa kotse.

"To naman nagtampo agad. Sorry na, may sentimental value lang talaga tong panyong to." Hindi nalang ako nagsalita.

Tiningnan ko ulit yung boyfriend ni Letth bago tuluyang umalis. Bakit andito pa siya? Ibig ba sabihin nasa loob padin si Letth? Tss, ano namang pake ko.

Pinaandar ko kaagad ang kotse. Sa condo muna ako ni Aera matutulog para makasama ko si Jm, ang anak namin.

"Krysh!" Ni-loud speaker niya ang phone niya at nilagay sa gitna namin. "Mag hi ka." Utos niya sakin.

"Hi."

"Omg! Magkasama kayo?!"

"Yes and papunta na kami jan. Dyan din kasi siya matutulog. Anyways, how is Micko?"

"Eto tulog na naman. Ang cute cute niya talaga!"

"I know right. Inalagaan mo bang mabuti?"

"Of course! Tita knows best!"

"Whatever. Okay then, i'll hang up. See you later."

"Ne. Bye! Take care!"

Kumusta kaya si Kenny? Iba pa naman yun kapag nasasaktan. Straight one week kung maglasing. Kaya nga nung naghiwalay sila ni Thea grabe ang payat na inabot niya. Tss. Talo pa ang nagaadik eh.

Hindi ko rin maintindihan si Kryshna. Na-brain wash ba talaga siya ni Aera? Tsk.

"Hubby?"

Hindi ako umimik.

"Kailan natin papabinyagan si Micko?"

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon