Jam's POV
Kakauwi lang namin ni Penyx galing sa pamamalengke. Ngayon lang ata ako hindi napagod na mamalengke. Weird right? Hahaha!
8:30 pm na pala. For sure gutom na sila.
"Kenny, pwedeng humingi ng tulong?" Nasa sala lang naman sila ni Kryshna, nag-uusap. Hindi ko namang intensyong mang-istorbo. Si Kenny lang kasi yung masarap talaga magluto sa pagkakaalam ko.
"Ano yun Jam?" Mukhang nagkakamabutihan na sila ni Kryshna. Good for them!
To be honest, i find them cute! Parang si Kryshna na ata yung deserving para kay Kenny. Si Kenny naman yung deserving para kay Kryshna. See? Natagpuan nila yung isa't isa dahil sa mga mahal nila na hindi naman nasuklian yung pagmamahal nila.
"Can you help me sa kusina? Hindi kasi ako ganun kagaling magluto." Then nag-smile ako. Wala naman kasi si Kyna dito eh, siya sana pwedeng tumulong.
Hindi naman ako marunong magtimpla ng adobo, isa pa wala na talaga akong iba pang malapitan.
"Anong lulutuin?" Tiningnan ko si Kryshna at mukhang okay lang naman sa kanya na magpatulong ako kay Kenny.
"Adobo sana." Tumango lang siya at ngumiti. Thanks god! May makakasama na ko sa pagluto. Hehe, ayoko namang maging fail yung adobo no. Halos lahat kaya kami paborito yun.
Nagulat kaming tatlo ng marinig namin ang sigaw ni Letth.
"I told you ibaba mo na ko! Pervert ka!" Nagwawala si Letth habang naka-piggy back ride kay Jm. Wow, so cute!
"Tss." Pabagsak na binaba ni Jm si Letth sa sofa.
"Pervert! Ugh!" Hinampas niya ng unan si Jm sa ulo at patakbong umakyat sa taas. Eh? Anong nangyari?
"What happen pre?" Nagkibit balikat lang si Jm at akmang aakyat na ng tawagin siya ni Kenny.
"Mamaya kana umakyat, tulungan mo muna si Jam na magluto ng adobo. Diba specialty mo yun?" Woah, marunong siyang magluto?!
Naging stalker niya ko pero bakit hindi ko yun alam? Emegesh!
"May ingredients na ba?" Nag-nod agad ako. "Sige, tara."
Nauna na siyang pumasok sa kusina at sumunod naman ako. Eh? Di na naman siguro to awkward diba? Hehe, si Penyx kasi may pinuntahan pa eh.
"Ah, eh. Anong gagawin ko?" Nahihiya kong tanong sa kanya. Specialty niya pala yung adobo eh. Ano pang maitutulong ko? Pero syempre kailangan kong tumulong no! Ako na-assign dito eh.
"Manuod ka nalang para matuto ka." Dahil sa sinabi niya sumunod nalang ako.
Pinanuod ko siya habang hinuhugasan yung manok.
"Ano palang nangyari kay Letth?" Ayoko namang balutin kami ng awkward no!
Nag smirk lang siya at nag shrug. Seryoso? Eh bakit inis na inis si bestfriend? Hmm, itatanong ko na nga lang mamaya.
"Paki-abot ng asukal." Binigay ko naman agad sa kanya yung asukal.
Adobo? Asukal? Eh? Anong lasa nun?
"Trust me, masarap to." Nahalata niya sigurong naweirduhan ako sa adobo niya. Sabagay, iaaasa ba ni Kenny yung adobo kung hindi magaling si Jm?
Lumapit ako sa kanya para panuorin yung niluluto niya. Kaso ang tangkad niya kaya nahirapan ako. Hmp!
Tumingkayad ako para makita kung paano niya niluluto ang adobo.
"Ja--," Sa sobrang gulat ko, nahila ko yung apron ni Jm kaya dalawa kaming natumba sa sahig.
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.