58 - Bossy boy & Hard headed girl

1.2K 43 10
                                    

Letth's POV

Matutulog na sana ako ng biglang magvibrate ang phone ko. Kahit na nakakatamad sagutin kong sino mang alien tong tumatawag ng ganitong oras, sinagot ko parin.

"Ano?" Naramdaman ko na naman ulit ang pagkirot ng braso ko. Akala ko okay na to ugh! Parang si Jm din pala to eh, pabago-bago.

"Bakit gising ka pa?"

Napatayo ako ng marinig ko ang boses niya. Oh sht! It's him! Kahit konting salita lang na galing sa kanya halos kumakawala na ang puso ko. Ganito ko na ba talaga siya kamahal?

"P-pake mo ba?" Bakit ako nauutal?! Aish! Hindi naman ako obvious diba? Diba?

Kung bakit naman kasi hindi siya umuwi dito. Hindi ba siya nainform na namimiss ko rin siya?

"Tss. It's too late. You should sleep." Bossy jm tss.

"Bakit ka ba kasi tumawag? Patulog na kaya ako." Then i rolled my eyes. As if namang makikita niya.

Bakit nga ba kasi tumatawag pa to? Mukhang hindi na naman ako makakatulog dahil sa kanya! Ugh! Binabaliw niya ba talaga ako?! Kainis.

"I'm just checking if you're sleeping already. So now, sleep." Ayoko pa! Gusto pa kitang kausap!

Ang sarap sanang isigaw sa kanya pero wala akong lakas ng loob. Bakit ba ang sweet nito sakin? I mean bakit ganito to? Nakakapanibago siya. But gusto ko rin. Gusto ko yung pag-arte niya na parang boyfriend ko, yung pagiging concern niya at yung pagiging err sweet niya.

"Yeah whatever. Bye na." Nakabusangot kong sagot. Ugh, Dude, i'm so fcking inlove with you!

"Go on. Sleep, wag mo kong babaan."

"And why?" Nakangiti kong sagot. I'm smiling again and again.

Mahal ko na nga ata to. Gosh, bakit hindi ko man lang namamalayan yung pagkahulog ko? At bakit sa pinakakinaiinisan ko pa? Ano to, the more you hate the more you love? Cheap ha.

"Chismosa karin no? Gawin mo nalang yung sinabi ko."

"Ang bossy mo rin no? Tss, fine. Goodnight bossy boy!" Humiga ako sa kama habang hawak hawak parin ang phone ko. Waiting for his response. Pero bat nga ba ako umaasa? Duh, si Jm to no. As if namang sasagot siya eh wala ngang manners yan.

"Night hard headed girl."

Dahan dahan kong inilayo sa mukha ko ang phone at tumili ng mahina. Damn! Kailan pa ko natutong lumandi ng ganito? Ugh Jm!

Naghintay ako ng ilang minuto bago maisipan matulog. Hindi niya parin binababa ang tawag kaya lalo akong napangiti. Talagang aantayin niya kong matulog? Eh baka naman nauna pa tong natulog?

"Ehem."

"Sleep hard headed girl." Omg! He's still awake! Haba naman ng hair ko.

"Okay fine. You too bossy boy." Then i smile like an idiot. I can't wait to see him! Kahit gusto ko pa siyang kausap hindi na pwede. He's the boss but i'm the rule. Too complicated.

Pipikit na sana ako ng makarinig ako ng mahinang boses galing sa phone. Kumakanta ba siya?!

"I wont give up... on us..." Fuck! The bossy boy is singing damn!

Idinikit ko ang phone ko sa tenga ko. Bakit naman kasi ang hina?! Gusto ko siyang marinig na kumanta! Oh god. Please louder your voice bossy boy!

"Even if the sky.... get rough..." Naramdaman kong nagwawala na naman ang puso ko. Tanging si Jm palang ang nakakagawa ng ganito.

Nung mga panahong mahal ko pa si Penyx hindi ko to naramdaman. I mean, yung ganito kabilis? Bukod tanging siya lang. Kung dati ayokong mahulog sa kanya? Ngayon nag-iba na. Gustong gustong gusto ko na. Kahit pa na walang kasiguraduhan kong sasaluhin niya ako. Hindi ko lubos maisip kung walang Jm sa buhay ko. Siguro nga masyadong mabilis, pero hindi naman sukatan ang araw para mahalin mo yung isang tao.

"I'm sleepy hard headed girl. Goodnight."

Then the call ended. Bitin! Bakit ba kasi hindi pa ko nagsalita? Dapat nag-request pa ko eh! Hindi ko lubos maimagine na kumakanta siya. Hindi ko pa nga talaga siya kilalang lubusan.

Nilapag ko sa side table ang phone ko. Madaling araw na pero hindi pa ko nakakatulog. May practice pa bukas for that effin' pageant. Kahit ayokong sumali wala akong choice. I just hope na sana siya nalang ang partner ko. Komportable ako sa kanya at siya ang gusto ko. Pero alam ko namang malabo. Jm is not the kind of boy na mapapasali mo sa mga ganyan. But still, i'm hoping. Yung pagkanta nga nagawa niya, sana naman pati yung pageant masalihan niya.

Someone's POV

It's good to be back. Namiss ko rin ang pilipinas. Pero isang tao lang ang pinakanamimiss ko. It's her.

Inaayos ko na ang mga papeles ko para makapag-enroll sa university na pinapasukan niya. Kahit saan siya magpunta, sisiguraduhin kong andun ako para bantayan siya. Hindi ako makakapayag na may unaligid sa kanya. She's mine. And i'll do everything para masiguradong sakin lang siya. Lahat ng hahadlang sa plano ko, papatayin ko.

"Are you ready?" Tanong niya sa akin.

"Always. So where's the flowers?" Inayos ko ang buhok ko at tumayo sa pagkakaupo.

Kailangan ko ng kumilos. Sapat na ang limang taong pagkawala. Wala na dapat akong sayangin pang oras. Dapat sa lalong madaling panahon, mapasa akin na siya.

"Ayos na ang lahat. Ikaw nalang ang kulang." Binuksan ko ang cabinet na puno ng baril at kumuha ng isa.

Ngayong araw na to magsisimula ang lahat.

"Let's go." I can't fucking wait to see my queen.

Naglakad kami pababa ng hagdan. Sinukbit ko sa likuran ko ang bag at nilagay sa gilid ang baril.

"Saan mo balak pumunta?"

"Sa bahay nila." Pumasok ako sa loob ng kotse. "Asan ang bulaklak?" Tanong ko sa kanya.

"Chill. Dadaanan na natin."

"Just make sure na maganda ang pagkakaayos niyan. Or else." Sinuot ko ang shade at nilagay sa tenga ang headphone.

Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa isang flower shop.

"Ako yung nag-order kanina. Asan ang bulaklak?"

Naghintay kami ng ilang minuto bago ibinigay ang bulaklak.

"Here." Red roses for my queen. But damn, nakakita ako ng isang lantang rosas.

"Gusto mo bang mag-almusal ng rosas?" Sinamaan ko siya ng tingin. Umiling siya at sumenyas na sandali lang.

Hindi pa man din siya nakakalayo ng kunin ko ang baril sa bag ko.

"Ayoko ng pinaghihintay ako." Tinutok ko sa may ulo niya ang baril at kinalabit.

"Tara na."

Nagsimula ng magkagulo ang mga tao at hindi namalayan ang pag-alis namin.

Ako ang hari. Ako ang masusunod at ako lang dapat ang nagmamay-ari sa reyna. Ako lang dapat ang magmamahal at mamahalin ni Letth.

AN:

Short update. Be ready for the another chapters. Hindi to horror guys. Let's just say na parang trial lang. Keep on reading, ciao.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon