60 - My King

1.2K 44 11
                                    

Christina's POV

Kakatapos lang namin ayusin ang stage para sa pageant na magaganap bukas. Hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap mag-ayos ng stage. And damn, buong auditorium ang aayusin namin, tapos stage palang ang natatapos. Balak ata nilang dito na kami matulog.

"You know what gands? Kanina ka pa tinititigan ni Dendo." Bulong sakin ni Kryshna na nag-gugupit ng letters.

Napa-sulyap ako kay Dendo at nakitang nakatingin nga siya sakin. Hindi ko maiwasang mailang. We're not in good terms. Medyo nagkatampuhan kami kagabi, nasigawan niya lang naman ako pero hindi ko alam kung anong nangyayari sakin at nagiging madamdamin ako. Para bang ang bilis kong masaktan. Hindi ko rin naiintindihan yung sarili ko.

"Lq?" Singit naman ni Kate na kanina pa pasulyap sulyap kay Justin.

"Kailan pa kayo naging chismosa? Bilisan niyo na nga jan." Pag-iiba ko ng topic. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko sa kanila.

Kinuha ko lahat ng nagupit na ni Kryshna na letters. Ang dami pang dapat na idikit and it's already 2 pm. Gosh, ni hindi pa nga ako kumakain eh. Nahihilo narin ako sa sobrang pagod.

"Labas lang ako pare." Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung kaninong boses yon.

Ganito nga siguro talaga ang magmahal. Malayo palang siya ramdam mo na kaagad, boses palang kilala mo na. Kahit likod at tindig niya alam mo na. Minsan pa nga, kahit buhok lang. Ganyan ang epekto ng pag-ibig satin.

"Breaktime muna mga tol." Sigaw ni Ralph.

Ipinagpatuloy ko lang ang pagdidikit ko ng biglang may kumalabit sakin. Napalingon ako at nakita si Kryshna na nag-pupuppy eyes sa harap ko. I smiled at her at tinanguan. She's with Kenny kaya alam ko na.

"Thank you Gands! Babalik din agad kami." Then she hugged me. 

Sobrang saya ko at may kanya kanya na silang lovelife. Kahit naman hindi aminin ni Kate, nararamdaman kong she's falling. Kaibigan ko siya kaya sa tuwing may ikinikilos siyang kakaiba, alam ko na. Ganyan na ganyan siya sa tuwing nagkakagusto siya sa isang lalaki.

Pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko. Dalawa lang kami ni Kate ang naiwan dito sa loob ng auditorium. Nagsikainan narin kasi ang lahat, ewan ko ba dito kay Kate at hindi pa kumakain.

"Gands, kain na." Sabi ko sa kanya.

"May hinihintay pa ako gands. Ikaw ba? Nauna na si Dendo ah?" Biglang lumungkot ang mukha ko ng maalala kong nauna na nga siya. Ni hindi man lang ako niyaya. Hays.

Umupo muna ako sa tabi ni Kate at uminom ng tubig. Hinilot ko ang gilid ng ulo ko habang nakatingin kay Kate.

"Galit eh. Sino ba hinihintay mo?" Tinigil niya ang pag-lelettering at tiningnan ako.

"I'm fine, don't mind me. Bakit kayo nag-away?" I just shrugged ng mapansin kong nasa may pinto si Justin.

"Anjan na yung hinihintay mo." 

Nilingon niya si Justin na nakatingin lang sa kanya. Oh gosh, bakit kinikilig ako sa simpleng tinginan nila? I bite my lower lip para mapigilan ang sarili kong sumigaw.

"Sige na alis na. Matunaw ka pa haha. Okay lang ako dito Gands, basta balik agad ha?" Kahit na nagugutom ako ayoko paring kumain. 

Sa tuwing naisip kong hindi kami okay ni Dendo lalo akong nanghihina. Hindi ko rin alam kung bakit. May oras pang naluluha nalang ako bigla kapag iniiwasan niya yung tingin ko. Bakit ba ako nagiging madamdamin? Weird.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon