Letth's POV
Naisipan namin ni Jam at Kyna na maglibot libot muna. Matagal narin kaming hindi nakakapaggala na magkasama. And yeah, okay na kami ni Kyna. Malinaw naman sa kanya kung ano yung gusto kong iparating. Para rin naman sa kanya yun, hindi sa akin.
"Parang gusto ko mag-bike." Bulong sakin ni Jam.
Kinalabit ko si Kyna at niyayang mag-bike. Busy kasi siya sa pamimitas ng bulaklak at nilalagay sa gilid ng tenga namin ni Jam. Mukha ba kaming paso?
"Bike tayo."
"Hala? Di ako marunong mag-bike!" Pagmamaktol ni Kyna.
Nagkatitigan kami ni Jam at sabay na tumawa. Pampagoodvibes tong katangahan ni Kyna eh. Seriously?! Bike lang yun, hindi motor! Anong klaseng tao ba tong si Kyna?
"Bakit?" Sabay pout niya sa amin.
Hinila namin siya ni Jam at dinala sa may tabing-dagat kung nasaan andun si Ralph. Dahil hindi siya marunong mag-bike, iiwan namin siya kay Ralph. Aba? Ayoko namang magbike na may angkas no! May choice naman siya eh, pag sasama siya samin either maglalakad siya o aangkas siya sa gulong ng bike.
"A-anong ginagawa natin dito?"
"Ngayon ka pa nahiya? Eh kanina lang ang drama drama niyo." Kinausap agad ni Jam si Ralph.
Hindi naman ako chismosa kaya hindi na ko nakinig pa. Gusto ko lang din mag-bike, nakakarelax kasi kahit na nakakapagod.
"Letth naman eh! Wag mo na ako asarin!" Inirapan ko siya at tinulak papunta sa tabi ni Ralph. Lahat na umuunlad lovelife, pero yung sa kanila lumulubog.
Hinila ko na agad si Jam at iniwan na yung dalawa dun. Hindi naman kami si kupido diba? Hindi naman namin trabahong asikasuhin lovelife nila no! Ako nga wala eh.
"Paunahan beastfriend?" Tinaasan ko siya ng kilay. Anong pinagsasasabi nito?
Nagulat ako ng bigla siyang tumakbo. Lumingon pa ako sa likod kung may aso ba o humabol si Kyna pero wala naman. Tanaw ko pa nga dito yung dalawa na nag-uusap eh. Anong kabaliwan pinaggagagawa ni Jam?
Napahinto siya ng mapansin niyang hindi ako sumunod sa pagtakbo niya. Sinamaan niya lang ako ng tingin kaya tinaasan ko agad siya ng kilay. Sinabi ko bang tumakbo siya? Psh
"Beastfriend naman!"
"What?"
Again, nag-pout lang siya at inirapan ako. Hindi ko siya pinansin at nauna nang maglakad. Papagurin ko talaga sarili ko para lang makipag-unahan sa kanya? Asa.
Kanina ko pa hindi mahagilap si Jm. Where the hell is he?! Aish! Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili kong iiwasan ko na siya, na hindi ko na siya hahanapin at titigilan ko na tong nararamdaman ko. Pero wala eh, at the end of the day, lahat yun nawawala.
"Beastfriend! Dito oh!" Napahipo ako sa noo ko ng mapansing lagpas na pala ako. Really Letth? Really?!
Sumunod na ko kay Jam at nagrent kami ng bike. Hindi man ako ganun kagaling magbike, atleast may alam ako no.
Kinuha na namin yun at nag-umpisang mag-bike. Lumabas kami sa resort at napagpasyahan na sa labas na mag-bike para may thrill.
"Beastfriend, you okay?" Feeling ko may sira tong bike. Tss, bakit ba naman kasi eto pa yung binigay. Mas okay pa sakin yung black eh.
"Yeah, i'm fine. Go on." Pinanuod ko siya habang nagbibike.
Sinubukan kong mag-bike ulit at di pinansin yung tumutunog. Baka natural lang talaga to. Nagiging paranoid lang ako.
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.