86 - Newbie

1K 41 11
                                    

Kenny's POV

"Babe? Anong ginagawa mo dito? It's already 10 pm!"

Napatingin ako kay Kryshna na palabas ng gate. Nakangiti siya sakin kaya ngumiti din ako.

Hindi parin maalis sa isipan ko lahat ng sinabi ni Kate kanina. Ayokong maniwala pero may nagsasabi sa loob ko na tama si Kate. May tiwala naman ako kay Kryshna, pero this past few days kasi iba ang mga ikinikilos niya.

Ayoko siyang pagdudahan dahil ayokong masaktan siya. Pero kasi, naguguluhan ako.

"Babe? Are you alright?" Nag-aalalang tanong niya.

Hinila ko siya papalapit sakin at yinakap. Hindi niya naman siguro magagawang lokohin ako diba?

"I miss you so much,"

"I miss you too babe."

Napapikit ako ng maramdaman kong nananakit na naman ang ulo ko. Napapadalas ata pananakit ng ulo ko ah? Tsk.

"Something is bothering you. Ano yun babe?"

"Nothing babe."

"Are you sure? Seems like you're not okay."

"I'm really not okay."

"The fuck Kenny! Anong masama sayo?! A-anong nararamdaman mo?" Natatarantang tanong niya sakin. I laughed. She's too cute. "Bakit ka ba tumatawa?!"

"Relax babe. I'm not okay because i really missed you. That's all."

Natawa ako ng bigla niya kong hampasin. Nakakunot na ang noo niya at ang sama na ng tingin sakin. I just smiled.

"Hindi magandang biro. Kinabahan ako."

"I'm sorry." I pull her closer at tsaka yinakap. Hindi ko na ata talaga kakayanin pag nawala siya sakin. I'm so glad na binasted ako ni Jam.

"Basta tell me if there is something wrong ha? No secrets, remember?"

"Yes babe. You too, you should not keep secrets. Kahit pa gaano ka-secret yan. You understand?"

Bigla siyang umubo ng kaunti at nag-iwas ng tingin.

"Are you okay babe?" Hinawakan ko siya sa balikat at hinarap sakin.

"Y-yeah. Malamig lang talaga siguro dito sa labas."

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon