30 - Mystery Girl

1.7K 51 8
                                    

Letth's POV

Nasa gym kami nila Jam ngayon. Watching for the Ogre's practice. Team daw nila Jm. Ayoko nga sanang sumama kaso nalaman kong andito pala si Penyx. Gusto ko sana siyang kausapin about dun sa pagsisinungaling niya kaso di ko siya matyempuhan.

"Ang gagwapo nila pag naglalaro sila ng basketball." Bulong samin ni Christina.

Napatingin naman ako sa kanila. Marunong din pala silang magseryoso, sa loob nga alng ng court.

"Lalo na si Dendo at Jm." Sabat naman ni Kate. 

Bigla siyang hinampas ni Kryshna at tumili.

"Waaa! Don't tell me type mo sila?" Ang sakit sa tenga ni Kryshna. Paano ko ba to nakatabi?

"Eh ano naman? Type lang naman. Ang gwapo eh." Cool na sabi ni Kate. Si Jm? Gwapo? Psh

"Hayaan mo na Gands. Lq ata sila ni Justin kaya ganyan." Hinayaan ko lang sila habang nag-uusap dun.

Maya maya lang dumating narin si Kyna. Wala narin kasing klase kaya free kaming lahat manuod ng practice nila. Ewan ko ba bat pa nila naisipang manuod ng practice, practice palang naman. As if namang finals na.

"Letth, sayo ba nakatingin si kuya? Yiee." Pang-aasar sakin ni Kyna. 

Tiningnan ko si Dendo at nakita kong nakatingin nga siya sakin. Inirapan ko lang siya, ano na namang trip niya sa buhay? 

"Bat parang nabawasan kadaldalan mo Kyna?" Tanong naman ni Jam. Napansin ko nga rin. 

Dapat ngayon, nag-iingay na yan. Kung anong ano na dapat kinukwento niya samin. Pero himala at walang ganung nangyari.

"Ah eh, sabi kasi ni Ralph bawas bawasan ko na daw yung pagdadaldal ko." Napalingon si Kryshna kay Kyna ng marinig niya ang pangalan ni Ralph.

Ang galng mo talaga Ralph, so proud of you. Tss

"Why do you need to change? Kailangan ba talaga yun para lang matanggap ka ng isang tao? Di ba dapat kung ano ka dapat tanggap ka niya." Ngayon ko lang nakitang nagseryoso ng salita si Kryshna yung tipong walang tili o kung ano sa boses niya. Normal lang talaga at nakakapanibago.

"Alam ko. At hindi niya naman ako pinagbabago, sabi niya lang bawasan ko. Magkaiba yun. And then i choose to be this. Hindi para kay Ralph kundi para sa sarili ko." Gusto kong tumayo at palakpakan siya. Ibang iba na nga siya. Parang kahapon lang ang daldal niya pa.

"Hindi ko rin naman sinabing pinagbabago ka niya. Duh, im just giving my opinion just so you know. This is a free country and i'm free to say whatever i want. Stupid." Sabay taas niya ng kilay kay Kyna. 

Di ko sila aawatin kasi gusto kong makita kung anong gagawin ni Kyna. This is new, she's new.

"I'm also free to say what i want. But now? I'll choose to stay quiet. Lalo na kung pinagtitinginan na tayo. Di naman ako attention seeker." This is so unbelievable! Si Kyna ba talaga to? Yung mabait na hindi sumasagot noon lumalaban na ngayon? Tss

"Are you trying to say na attention seeker ako ha Kyna? Do you really want me to prove to you kung sino talaga ang attention seeker ha?" Kalmado pang sabi ni Kryshna. 

Medyo dumadami narin ang nakikinig at nakikichismsis sa amin. Aawatin ko na sana sila nang biglang magsalta si Kate.

"Both of you stop. Pareho kayong attention seeker duh." Binalik ni Kate yung tingin niya sa mga Ogre's na naglalaro.

Im so happy for Kyna. See? Ang laki na ng pinagbago niya. Pero sana yung pagbabago niya hindi maging dahilan ng pagiging warfreak niya. I just want her to know how to fight back pero ayoko na siya yung mangunguna.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon