Jam's POV
Hindi ako naka-imik ng iwan nalang agad nila kami dito. Sumama ako sa kanila kasi gusto kong magkaayos na kami ni Letth. Pero hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis no! Hindi ako prepared eh. Huhuhu.
"Congrats." Nauna ng nagsalita si Kyna. Tiningnan lang siya ni Letth at hindi sumagot. Maybe she's still mad.
"Sorry." Nagkatinginan kami ni Kyna nang magsalita si Letth. Well, that was unexpected. Kyna and I were supposed to say that. "Ayoko ng magpaliwanag. Basta ang alam ko nasaktan ako, alam ko din na nasaktan kayo. So it's a tie. Let's fix this problem. Wag na natin patagalin."
"Sorry din. Hindi ko lang naman kasi matanggap na hindi mo man lang kami pinagpaliwanag." Kyna said.
"That's why nagsosorry ako." Tiningnan niya naman ako. "Lalo na sayo. I'm sorry."
"I am sorry din. Hindi man lang kita inintindi." Sagot ko.
Still awkward. Parang labas sa ilong namin yung mga sinasabi namin. Well ako, hindi ko rin maintindihan.
"Seriously sorry, for everything. Sana maintindihan niyo ko. Sobra lang akong nasaktan that time, pero ngayon alam ko. At alam kong kasalanan ko din kung bakit humantong sa ganito." She sighed.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko si Letth. Namiss ko talaga yung bestfriend ko eh.
"Sorry talaga Jam."
"It's okay. Wag na tayong mag-away ha? Next time matuto ka ng makinig!" Sermon ko sa kanya. Tumawa naman siya.
"Grouuup hug!" Sigaw ni Kyna. Hindi ko naman talaga matitiis si Letth eh, kapatid na talaga siya para sakin. "Hala! Teka lang, tatawagan ko lang si Chander. Baka namimiss na ako nun eh."
"Yuck, ang harot. Hmp." Singit ni Letth na naka-nguso pa.
"Waaaah! Nakita ko yun!" Hinampas ko siya sa balikat.
"Aray! Ang alin?"
"Yung pag-pout mo! Nag-pout ka beastfriend! Sabi na nga ba eh di rin magtatagal magugustuhan mo din ang pag-pout!"
BINABASA MO ANG
BENEFITS [Completed]
RomanceMagkaibigan. Nainlove. Umasa. Ginamit. Natuto. Started: December 13, 2014 Ended: May 02, 2016 WARNING: THIS STORY IS UNEDITED.