108 - Acceptance

1.3K 32 10
                                    

Letth's POV

I wiped my tears when i saw Jam running. I can see in her face that she's so damn worried. I couldn't imagine myself being in this situation without her.

"What the hell! Why are you crying?! What did Jm do? That bastard!" Nag-igting ang bagang niya habang inaalalayan ako sa pagtayo. Fuck tears.

Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko at hinawakan ang balikat ko. Kitang kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Agad akong nag-iwas ng tingin at niyakap siya.

"Why do i need to hurt others feelings just for me to be happy? Why do i need to hurt them?" Hinaplos niya ang likod ko.

"What are you talking about Letth?" Humiwalay ako sa pagkakayap sa kanya at inayos ang sarili.

Batid kong walang alam sina Jam sa nangyayari. Pero hindi ko maiwasang maglabas ng sama ng loob sa kanya, sobra akong naiinis sa sarili ko. Am i being selfish again?

"Just....nothing,"

"Liar. Ano yun beastfriend?" Sinamaan ko kaagad siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

Kinuha ko ang sling bag ko at sinabit sa balikat ko. Sinulyapan ko ulit ang court bago hinila si Jam palayo. I'm really sorry Ezekiel, dumating ka kung kailan huli na.

Dinala ko siya sa malapit na coffe shop. Inayos ko ang sarili ko at umorder ng pwede kong kainin. Bigla akong nagutom sa eksena kanina. Napansin kong walang kibo si Jam, nakatingin lang siya sa bawat kilos ko. Hindi niya rin ginagalaw ang pagkain niya.

"What's wrong with you? You're creeping me out." Hinagis ko sa kanya ang tissue na hawak ko bago uminom ng kape.

"You're hiding something." Biglang nanliit ang mata niya. "Akala ko ba walang lihiman?"

Napa-irap ako sa sinabi niya. "Sasabihin ko naman sayo, kalma lang pwede? Hindi ko alam kung paano sisimulan to." I sighed.

Everytime na sasagi sa isip ko si Ezekiel at ang mukha niya kanina habang umiiyak, kinukurot ang dibdib ko. Parang gustong kumawala ng mga luha ko. Damn.

"So sino yung tinutukoy mo na nasaktan mo?"

Inihilig niya ang ulo niya sa salamin at tinitigan ako.

"Ezekiel." Maiksing tugon ko.

"Who is Ezekiel?"

"Yung nasaktan ko." Biglang lumipad ang kamay niya sa balikat ko at nginusuan ako. Napangiti ako sa inasta niya.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon