19 - Sulky

2.4K 57 5
                                    

Letth's POV

Nagmamadali akong lumabas ng room. Feeling ko ang tagal ng oras, well uwian na namin ngayon. Wala namang ginawa sa room, walang teacher ugh! Kung alam ko lang edi sana di nalang ako pumasok, edi sana di ko narin nakita pa yung mukha ni Jm. Nakakayamot siya, bakit nung andun kami kina Dendo di niya ko inaasar?! Tapos ngayong nasa room kami tsaka niya ko aasarin?! What if marinig nang mga classmate namin? ugh masasapak ko talaga siya e!

FLASHBACK

Kakaalis lang ni beastfriend sa room namin. Kinuha niya kasi sakin yung phone niya. Nakalimutan niya daw kunin, kahit kailan talaga. Pero di parin ako makaget-over na yun pala si Kenny, infairness ang gwapo niya ha. Pero mas gwapo parin si Penyx.  

So siya pala yung kaaway ni Jm? Ano ba kasi pinag-awayan nila? Akala ko naman alam ni Jam, di pala. Ayon nagmaktol at bakit di daw kwinento sa kanya ni Kenny. Wow, so friends na agad sila? Tss

So wala kaming teacher? Okay, mag sosoundtrip nalang ako.

*Scroll, scroll, scroll*

Akala ko kung sino yung bagong dating, si Jm lang pala. Hindi ko maiwasang titigan siya, para kasing may bago? Ah, bagong gupit siya? Ayos lang, nagmukha naman siyang tao kahit papano.

"Alam kong gwapo ako, wag mo kong titigan." Makapal. Minsan libro, madalas siya.

"Wag kang assuming. Wala akong makitang gwapo." At inirapan ko siya. Nagsasalita pala to, akala ko hindi. Eh ni hindi nga kami kinakausap niyan.

"Pero hinalikan mo ko?" A-anong sabi niya?! Ako?! AKO YUNG NANGHALIK?!

Binato ko siya ng ballpen ko pero sinalo niya lang yun at tsaka hinagis ulit sakin. Peste!

"Ang kapal mo! Ako? Ako ba nanghalik?! Fuck!" Sinuot ko ulit yung earphone at tsaka inayos ang sarili. Mamaya may makarinig pa samin dito. Ayoko, ayokong malaman nila. Kahit pa nakuha na ni Dendo yung first kiss ko no! "Uy!" Hindi naman full yung volume ng music ko kaya naririnig ko parin siya. Kinakalabit niya ko pero di ko parin siya pinapansin. 

"Nagpapalambing ka?" Agad naman akong napabalikwas. Dafaq! 

Tinitigan ko lang siya nang masama at tsaka inirapan.

"Hoy ikaw Jm, tigilan mo ko ha! Di ko ginusto yun tantanan mo ko." Isang oras mahigit niya rin akong inaasar pero di ko lang siya pinapansin. Gustong gusto ko na siyang sapakin pero di ko pwedeng gawin! Ang dami niyang fans dito sa room at baka di na ko makalabas pa nang buhay. 

Titigil lang siya sa pang-aasar pag may teacher, pero pag wala? Tanginaglass, di nya ko tinitigilan! So ganito yung mabait kay Jam? Dafaq!

-END-

Buti nalang talaga at nakapagpigil ako kanina. Swerte niya! 

Pumunta na ko sa room ni Jam, yung gaga nagpapasundo pa. Wala naman akong makasama kasi si Kyna kasama si Ralph. Talo pa nila mag-on eh hindi pa naman nanliligaw si Ralph.

Nagulat ako kasi may sumasabay sakin sa paglalakad, pagtingin ko si Dendo lang pala. Buti pa to kahit papano mabait, kahit magnanakaw ng first kiss.

"Pupunta ka kay Jam? Tumango naman ako. "Sama ako, pupuntahan ko rin si Kenny e." Oo nga pala, nakalimutan ko kaklase niya nga pala si Kenny. Oh bat nagpapasundo pa? Sus.

"Magkaklase sila diba? Bat di nalang sila magsabay? Tutal close naman sila." Pagod na nga ko e, papagurin pa lalo. Bwiset na Jm kasi yun e.

"Di daw pinapansin ni Jam si Kenny, LQ. Hahahaha" Ang saya niya. 

Pa lq lq pang nalalaman e. Sabagay, mas pabor naman ako kay Kenny kesa kay Jm. Tss

"Lul, bakit nga?" Ano namang ginawa ni Kenny? Kilala ko yang si Jam, pag di ka pinansin niyan ibig-sabihin galit o nagtatampo yan.

"Chill Letth, di daw kasi kwinento ni Kenny yung tungkol sa kanila ni Jm." Ah dahil lang pala dun? Pag si Jm talaga ang usapan, OA masyado si Jam. Ano ba kasing nakita niya kay Jm? Gwapo? Jusko, wala si Jm nun! Kahit pa sa ugali. Tss

Tumango nalang ako. Ang layo pa nang lalakarin namin ni Dendo. Kabilang building pa kasi sila! Habang naglalakad, nakita ko si Jm sa may Second floor ng kabilang building na may kausap na babae. Girlfriend niya? Eh pake ko ba jan.

"Are you free tomorrow? After class?" Bukas? Wala naman siguro. 

Teka, ako ba kausap nito?

"Me?" Mamaya kasi nag-aasume lang pala ako. Mahirap na.

"Baka yung puno? O di kaya yung daan? Hahahaha." Spell corny, D-E-N-D-O

"Ha ha ha. Tatlong tawa para sa joke mong laos na." Badtrip to! Malay niyo naman may kausap pala siyang iba, yung tipong di ko nakikita at siya lang nakakakita. Ha ha ha

"Pero seryoso, free ka?" Tao ako e, tao! Ayan, nahawaan na ko ng kakornihan niya.

"Yes, why?" Wala din naman siguro akong gagawin bukas.

"Mall tayo, treat ko. Wala kasi akong magawa e." Tinatanong ko ba? Defensive. Tss

 Akala ko talaga bwiset sa buhay ko tong si Dendo. Ilang araw palang yung nakakalipas matapos niya kong pagtripan pero look, nakakausap ko na siya na para bang walang nangyari at hindi ako nachismis. Tss, until now hindi parin tapos yung issue na yun. Hindi ko alam kung paano naman nagagawang dedmahin yun.

"Yeah sure." Then i smiled.

Andito na pala kami sa tapat ng room nila Jam. I texted her na nasa labas na kami. Wala pang isang minuto nasa labas na agad si Jam na nakabusangot habang nasa likod niya naman si Kenny.

"Oh pre, tara na? Inaantay narin tayo nila Penyx sa bahay." Napalingon agad ako kay Dendo nang marinig ko ang pangalan ni Penyx. Teka? Anong gagawin nila dun?

"Anong gagawin niyo dun?" Di na kaya ng dila ko e. Eh kasi naman andun si Penyx! 

"Movie marathon. Sama kayo?" Yaya samin ni Kenny. Ang hot niya pag nagsasalita tss. Ay, erase erase! Feeling ko nagtataksil ako kay Penyx. 

Ge, ako na assuming.

"Ayoko. Kayo nalang, tara na beastfriend." Badtrip nga pala si Jam. Tss, Sige na nga. Di na ko sasama. Duh mas mahalaga parin sakin yung mga kaibigan ko.

"Di sige, kayo nalang. Maybe next time. Sige bye!" At hinabol ko na yung walk out queen.

Sayang? Oo, pero nah. Marami pa namang araw, mas kailangan ako ngayon ni Jam. For sure magdadrama lang sakin yan mamaya. Magdadaldal at maglalabas ng sama ng loob. Tapos nun? Tapos na. Ganyan lang naman yan, at i think kailangan niya nang ilabas yan ngayon. Para di na magtagal. Mamaya may iba pa pala siyang problema.

"Antay nga Jam, drama mo. Para kay Jm lang e." At huminto naman siya. Hinarap niya ko at tsaka nag pout. Nahahawa na to kay Kyna kakapout.

"Eh kasi beastfriend! Kainis si Kenny! Kaaway pala siya ni FafaJm di niya sinasabi! Nagkwento pa naman ako sa kanya about kay Jm huhu baka anong gwain nya kay Jm." See? Ang drama. Inirapan ko lang siya.

"Yun lang? Si Jm lang? Look, di na sila bata okay? Bakit? Alam mo na ba lahat at kung makaarte ka jan parang si Jm ang kawawa. Mamaya si Jm naman pala ang may kasalanan. Wala akong kinakampihan okay? Ang sakin lang, look at the both side. Mahal mo si Jm pero kaibigan mo rin si Kenny. Wag ka ngang unfair." Another speech. Ugh, nagsimula na kong maglakad at iniwan siya dun. For sure processing na naman sa utak niya yung mga sinabi ko.

Naglakad na ko ng mabilis at iniwan na siya dun. Susunod din naman yun maya maya.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon