81 - The trickster

1K 37 16
                                    

Jam's POV

"Beastfriend i'm sorry but i need to go. Don't worry, I'll call Kyna para naman may kasama ka dito."

Tumawag sakin si Dad at pinapauwi ako. Hindi ko alam kung ano ng balita sa kompanya niya pero sana naman maayos na.

"I'm okay beastfriend. Sige na, drive safely."

"I'll be back." Niyakap ko siya at nagpaalam. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon hindi ko parin matawagan si Penyx. Masyado niya na kong pinagpapaalala. Tinanong ko na rin ang Ogre pero hindi din nila alam. Aish! Wag ko lang malaman na nambabae siya!

Sumakay ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa bahay. Hindi ko maiwasang mainis sa tuwing pumapasok sa isip ko ang mukha ni Penyx. Ganun na lang yun? Biglang hindi magpaparamdam? Mawawala na parang bula? Psh.

Hindi ko na namalayan na nasa tapat na pala ako ng bahay. Bumusina ako ng bumusina para buksan ang gate.Tinitigan kong maigi yung sasakyan sa loob, pamilyar eh. Parang sasakyan ni Penyx.

"Goodmorning po." Bati sakin ng katulong namin. Ngumiti lang ako at bumaba ng sasakyan. Kumunot bigla ang noo ko ng makompirma kong sasakyan nga yun ni Penyx.

Ano namang ginagawa niya dito? Bigla akong nakaramdam ng tuwa at excitement pero hindi ko pinahalata. Pumasok ako sa loob ng bahay na naka-kunot ang noo. And yeah, nasa sala siya at prenteng naka-upo habang nanunuod ng basketball. Hindi ko siya pinansin at dire-diretsong naglakad paakyat.

"Hey gorgeous!" Kunwari wala akong narinig. Kunwari hindi ko siya kilala hmp. Patuloy parin ako sa pag-akyat ng may biglang humila sakin. Muntik na kong ma-out of balance dahil sa suot kong heels.

"Ano ba!" Kunwaring inis na sigaw ko. Lumungkot ang mukha niya kaya nakonsensya ako. Aish! Ang galing niya talaga magpaawa! Imbes na ako yung suyuin ako pa yung manunuyo. Ako yung dapat na nagtatampo eh!

Hindi ako umimik at tinitigan lang siya. Binitawan niya ang kamay ko at humakbang pababa. Hinampas ko siya ng bag ko at sinamaan ng tingin. At talagang hindi niya ko kakausapin?!

Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. Yinakap niya ko at hinalikan sa pisngi.

"Sorry na. Alam ko namang namiss mo ko ng sobra, namiss din naman kita."

"Saan ka ba kasi galing?! Nag-alala ako!" Hinampas ko siya sa likod niya. Wala eh, hindi ko talaga matiis si Pen. Hindi ko magawang magalit sa kanya.

"May inasikaso lang. Wag ka ng mag-alala, andito na ko oh."

"Ano namang inasikaso mo?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya at ngumiti. "Kumain ka na ba?" Pag-iiba niya ng topic.

"Not yet. Galing ako sa hospital."

"Sakto nagluto ako, tara sa kusina. Anyway, kumusta si Letth?" Kinuha niya ang bitbit kong bag. Napangiti nalang ako sa kanya at bumaba ng hagdan.

"Ayon, madami pading pasa. Pero sabi naman ng doctor okay na siya. Pero may problema pa rin, yung company nila."

"Tama ba yung bali-balita na wala na talaga yung company nila? Wala na daw pag-asa eh. Wala ng gustong mag-invest. Wala na ding pera ang kompanya nila."

Nagulat ako sa sinabi ni Pen. Wala ng gustong mag-invest?! Wala na silang pera?!

"A-ano? T-totoo ba yan?" Nag-shrug lang siya. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala kay Letth. Paano nalang pag naubos na talaga ang pera nila?

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon