38 - Letting go

1.6K 49 9
                                    

Kryshna's POV

Nakakainis! Hindi ba talaga mauubusan ng epal sa mundo?! Why can't they just leave me and Ralph alone?! Lalo na yang si Kyna!

Okay fine, aamin na. I like Ralph, no mali. I love Ralph at nagseselos ako sa tuwing nakikita silang magkasama ni Kyna!

"What's with your face?" Tanong ni Kate. Kasama ko nga pala sila gands dito sa kwarto ko.

Feel lang talaga nilang guluhin ako kasi wala silang magawa. Hindi nila alam aalis din ako maya maya. Psh

I faced Kate at binigyan ng 'nakakainis na kasi' look. Mukhang nagets niya naman kaya tumaas agad kilay niya.

"What happened?" Tumalon naman si Christina sa kama sabay ngiti ng sobrang lapad.

Masaya siya kasi naka-usap at nakasama niya si Dends psh >3< Eto namang si Kate nabawasan na pagtataray simula ng maging close sila ni Justin. Bakit ang swerte nila sa mga lovelife nila?! Ugh! Kainis!

"Ano ngang meron Gands? Bat ganyan mukha mo?"

Nangalumbaba ako sa harap nilang dalawa habang naka-pout.

"Si Ralph kasi.."

Huminga ako ng malalim at pumikit. Alam ko namang ayaw nila kay Ralph para sakin pero masisisi ba nila ako kung si Ralph talaga yung gusto ko?

"Gands." Kalmang tawag sakin ni Christina habang si Kate talo pa ang Mt. Everest sa taas ng kilay niya. "Diba sinabihan na kita?" Umiling-iling lang ako sa kanya at tinaas ang kamay ko na senyas na itigil niya yung sasabihin niya.

"Alam ko mga gands. Pero kasi mahal ko na si Ralph. Di ko alam kung kailan nagsimula, basta isang araw naisip ko ayokong mawala siya."

Pinigilan ko naman yung nararamdaman ko eh. Pero walang effect. Masaya ako sa tuwing nakakasama at nakakausap ko siya.

"Pero gands, playboy yun. Tingnan mo nga? May Kyna na siya tapos nilalandi ka pa niya. Bullcrap! Pinapaasa ka lang niya, bakit di mo yun makita?!" Ayan na, nagtataas na ng boses si Kate. Huhuhu

Alam ko namang nauna si Kyna pero malay niyo. Siya pala yung pinaglalaruan at hindi ako. Alam ko naman sa sarili kong napapasaya ko si Ralph eh.

"Kate, low down your voice. Kalma naman." Umirap si kate at umayos ng upo. Halatang halata na iritado na siya. Aish, anong gagawin ko?

Nag-puppy eyes ako kay Christina at tumingin ng 'Help me please' look. Tumawa lang siya ng mahina at nilapitan si Kate.

"Gands, alam kong ayaw mo kay Ralph para kay Kryshna. Ako din naman, pero anong gagawin natin kung siya ang nagpapasaya kay Kryshna? Hahadlangan ba natin yun?" May mas mataas pa ba sa kilay ni Kate? Huhu abot na hanggang dulo ng anit niya.

Hinarap niya si Christina at inirapan eto. Away na ba to? Waaaa!

"Seryoso ka ba Tinay?! Oh sige, siya nga nagpapasaya kay Kryshna pero siya din yung mananakit jan! Ang daming lalaki jan na nagkakagusto sayo pero bakit mo naman pinipilit yung sarili mo sa lalaking hindi marunong magseryoso?! Tanga kana ba talaga?" Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo yung luha ko.

Masakit? Oo sobra, kasi sa kaibigan ko pa mismo nanggaling yung mga salitang yun. Akala ko sila yung makaka-intindi sakin pero bakit ganito? Sila yung inaasahan kong susuporta sakin pero sila pa pala yung magdodown sakin.

"Kate! Below the belt kana! Tingin mo ba pag pinili niya yung ibang lalaki hindi na siya masasaktan? Atleast nasaktan siya sa taong mahal niya. Bakit ba hindi nalang natin siya suportahan?" Pinunasan ko yung luha ko at nakinig lang sa kanila.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon