23 - What the hell?!

2.5K 51 6
                                    

Letth's POV

Naglilinis ako ng room ng biglang pumasok si manang sa room ko. Sinabihan ko na siyang wag papasok nang hindi kumakatok e. Psh

"Ma'am, ala eh sorry ho! Eh sila ma'am at sir na-an diri na." Bigla akong napatayo ng tuwid sa narinig ko. 

Tama ba yung pagkakaintindi ko? Si mommy at daddy nandito na?

"Ya anong sabi mo? Si mommy at daddy? You sure?" Tumango-tango lang siya at tsaka ngumiti ng pagkalapad-lapad.

Oh god, hindi ko to inaasahan. Buti nalang pala maagang umalis si Jam at nakapaglinis linis pa ko.

"So wala bang balak yung anak namin na salabungin ako?" Lumingon agad ako sa nagsalita. 

And i saw my mommy sa may pinto. As usual ang bata niya parin tingnan.

"Oh mommy!" Niyakap ko kaagad siya at hinalikan sa pisngi. Namiss ko si mommy, lalo na yung adobo niya.

"I missed you baby." Ang bango ni mommy. Geez, talo niya pa ko e. Naalala ko nga dati pag magkasama kami napagkakamalan pa kaming magkapatid.

"I missed you more mommy, anyway bat kayo umuwi?" Hinanap ko naman si daddy pero di ko siya nakita. Akala ko ba kasama siya ni mommy?

"Ayaw mo ba kaming andito Letth?" Si daddy yun ah? 

Lumingon ako sa may hagdan at nakita ko dun si Dad. Ang gwapo din nitong si Dad e, kaya bagay na bagay sila ni Mom. Tingnan nyo naman ang bunga, dyosa. Hahaha

"Dad! Namiss kita!" Namiss ko talaga sila. Bukod sa pagiging magulang naging kapatid at kalaro ko rin sila. Kaya ang thankful ko at sila ang magulang ko. Kaya nga nagtatampo ako sa kanila pag pumupunta silang ibang bansa e, wala akong kasama sa bahay. Feeling ko tuloy ako lang mag-isa sa buhay. Kung bakit ba kasi wala akong kapatid e.

Tss, Letth Liu nagdadrama? Hell.

"Namiss ko din ang prinsesa ko." Ayan ang gusto ko kay dad. Lagi niya kong tinatawag na prinsesa. Sabagay, ako lang naman talaga ang prinsesa sa buhay niya. 

"So, hindi ka ba excited baby sa mga pasalubong namin?" Sabay kindat sakin ni mama. At pag ganyan yan? For sure magugustuhan ko mga pasalubong nila.

"So may pasalubong pa talaga ako? Hahaha, tara na nga mom and dad! Naeexcite ang anak niyong dyosa." Siguro mga damit na naman to. Last year kasi ganun yung mga pasalubong ni Mommy. 

"Ala eh, ako ba maam at ser wala?" Di ako nainform na pati si manang echusera na.

"Meron manang, kayo pa po ba?" Sabi naman ni mommy. Di ko nalang sila pinansin at humawak sa braso ni daddy. Ganyan kami ni daddy, dati nga daw akala niya tomboy ako. Iw

Pagdating namin sa sala, tumambad agad sakin ang napakadaming kahon. Don't tell me lahat yan damit? Omg, kawawa naman yung closet ko.

"Are you ready baby?" I just nodded.

"Now, open the first box. Yung may dilaw." Sinunod ko naman yung sinabi ni Dad. When i opened the box isang malaking teddy bear ang nakita ko. Mas malaki pa ata to kay manang e. Omg ang cute cute niya!

"Wow!" Wala talaga akong masabi. Tapos purple pa siya ugh like omg! Ang ganda ganda niya sa mata!

"Haha, hindi pa tapos baby. Now open the red box." Binuksan ko naman agad yun at agad na tumambad sakin ang napakadaming accessories, perfumes at kung ano ano pa.

"Mom, Dad? Para san tong mga to? Pasalubong lang ba talaga to?" Nginitian lang nila ako.

Weird, may kutob akong may iba eh. Tss

"Baby may isa pa. Yung yellow." Isa nalang? Eh ano yung laman ng ibang boxes? 

Binuksan ko yung yellow at puro chocolates naman ang laman. Seryoso? Kailangan ibox pa? OA sa dami to ah? For sure sila Jam na naman makakaubos nito. 

"Eh mom, dad? Para san yung ibang boxes?" I asked. Nakakacurious na e, kung hindi para sakin yan e para kanino? Kay manang?

"Sakin yan." Y-yung boses na yun? Kay..

NO! WHAT THE HELL?!

"Oh Jm iho, andito ka na pala. Upo ka muna." Pumasok naman siya sa bahay at umupo sa sofa. Anong ginagawa niya dito?!

"Princess, have a sit." Uupo na sana ako sa tabi ni Dad ng sinabi ni mommy na tumabi ako kay Jm -_- Ano to palabas? Mag gaganito kasi ipapakasal ako kay Jm? Arrange marriage? Dafaq! No way!

"Alam ko na yang tumatakbo sa isip mo Letth, mali ka okay? Kaya andito si Jm kasi dito muna siya titira. Yung tita at tito mo kasi makakasama namin sa Hongkong. May aasikasuhin lang kami, so maliwanag ba?" Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ni Dad. Akala ko talaga magpapakasal na ko sa hayop na to e. Kita niyo ang moody?! Ngayon naman di namamansin. Tss di naman sa gusto kong pansinin niya ko no, duh mga utak niyo.

"Kung yun lang naman pala edi sige. Jan siya sa sofa." Inirapan ko siya at tsaka tumayo na.

"Letth baby, wag ka ngang ganyan sa bisita." Bisita bisita! Punyeta kamo!

"Bisita? Bwisita yan! Leche!" Nakita ko namang nag-smirk siya. Kita mo talaga tong lalaking to, nako!

"Letth bumalik ka dito." Ayoko nga duh. Pumasok agad ako sa kwarto ko at tsaka nag-lock.

May peste pala akong makakasama dito sa bahay. Tss ma-status nga! -_- 

Nang makapag-open na ko ng facebook agad na tumambad sakin ang napakadaming notification. Ano na naman to? Nagpost muna ako ng "Pissed." at tsaka chineck ang notif ko.

Puro likes lang ang nakita ko tungkol sa isang picture na nakatag ako? Like omg. Clinick ko agad yun at nakita ang picture namin ni Dendo. So talagang pinost niya pa ha? Bwiset talaga tong lalaking to e. Kagabi pa pala to?

1,836 likes? Tanginaglass! peym pucha! tapos 933 comments? Edi wow. Tss, tiningnan ko lang yung ibang comments at malamang puro di magaganda nababasa ko. Yung last comment naman is si Dendo.

Dendo Monte: Makabasa pa ko ng di magandang comment mayayari sakin.

Edi ayon, wala nang nagcomment -_- Wala naman akong paki sa kanila. Pumunta ako sa timeline ko at napansin kong binura na ni Dendo yung pinost niya sa wall ko. Thanks God!

Bago ako mag-log out chineck ko muna yung account ni Penyx. At nagsisisi ako kung bakit ko pa tiningnan.

Penyx Isidro  57 minutes ago

Finally, i found her.

241 likes     68 comments     3 shares

Sobrang badtrip! Naiinis ako sa kanilang lahat! Wala na bang good news? Ugh! Umasa na naman ako! Ano nang gagawin ko ngayong nakita niya na yung mystery girl niya? Malamang wala akong laban dun. Years ba naman e? Pero ayoko ngang sumuko! Kahit pa alam kong wala nang pag-asa umaasa parin ako. Mahal ko talaga si Penyx e, mahal na mahal.

BENEFITS [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon